BJMP officer, arestado matapos magpaputok ng baril sa Taguig

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at May 20 2017 06:45 PM

Arestado ang isang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology matapos magwala at magpaputok ng baril sa Purok 4, Lower Bicutan, Taguig City nitong Sabado.

Naaresto si Senior Jail Officer 2 Joseph Ekal, 44, ayon kay Southern Police District Spokesperson Supt. Jenny Pecson.

Isang resident ang tumawag sa mga pulis at ini-report ang pagwawala at makailang beses na pagpapaputok ng baril ni Ekal.

Nakumpiska kay Ekal ang isang 9mm na baril.

Nahaharap siya ngayon sa kasong alarm and scandal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.