MMDA patuloy ang paghahanda sa magiging epekto ng El Niño | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MMDA patuloy ang paghahanda sa magiging epekto ng El Niño

MMDA patuloy ang paghahanda sa magiging epekto ng El Niño

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

Maria Tan, ABS-CBN News
Maria Tan, ABS-CBN News

MAYNILA—Puspusan pa rin ang paghahandang ginagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa magiging epekto ng El Niño sa bansa.

Ayon kay MMDA acting chairman Romando Artes, nakabuo na ng task force para sa El Niño ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Kinukumpleto na umano ng mga LGU ang kanilang mga rekomendasyon at ilalatag ito sa muli nilang pagpupulong bago matapos ang buwan ng Mayo.

Anuman umano ang mapagkasunduan sa gagawing pulong ay ang paiiralin nilang polisiya sa Hunyo na siyang buwan ng pagtama ng El Nino at posibleng tumagal hanggang sa 1st quarter ng 2024.

ADVERTISEMENT

Iginiit naman ng opisyal na handa sila pero mas pinag-iigting nila ang paghahanda sa posibleng matinding epekto ng El Nino, ani Artes.

Sinabi naman niya na kasama rin sa babantayan ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council ang posibleng kakapusan sa suplay ng tubig at mga sakit na pwedeng makuha sa El Nino tulad na lang ng pagtaas ng kaso ng dengue.

Mas pinaiigting din nila ang pakikipag-ugnayan sa iba't ibang ahensya kabilang dito ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System para sa monitoring ng suplay ng tubig at sa posibleng pag-regulate nito kung kakailanganin.

Activated na rin umano ang mga deep well sa Metro Manila sakaling bumaba ang suplay ng tubig. Dagdag niya, pinag-aaralan na nila ang ilang makabagong teknolohiya na posibleng pagkuha ng tubig sa hangin.

Muli naman siyang nanawagan sa publiko na magtipid sa pagkonsumo ng tubig.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.