Bahagi ng Ospital ng Malabon muling isasara dahil sa 'nagsinungaling' na pasyente | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng Ospital ng Malabon muling isasara dahil sa 'nagsinungaling' na pasyente

Bahagi ng Ospital ng Malabon muling isasara dahil sa 'nagsinungaling' na pasyente

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nakatakdang muling isara ang bahagi ng Ospital ng Malabon matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) rapid test ang isang ginang na nanganak sa naturang pagamutan.

Ayon kay Malabon City Mayor Lenlen Oreta, hindi umamin ang pasyente na mula siya sa Barangay 12 sa Caloocan, na nito lamang ay isinailalim sa total lockdown.

Positibo ang resulta ng rapid test ng ginang na isasailalim na rin sa confirmatory test.

Dahil dito, isasara ang buong pangalawang palapag ng ospital. Tigil-operasyon ang Ob-Gyn clinics, pedia, delivery, at surgical operations.

ADVERTISEMENT

Magsasagawa na rin ng disinfection, contact tracing, at testing sa mga posibeng nakahalubilo ng pasyente.

Mananatili namang bukas ang laboratory at radiology section at tatanggap pa rin ng adult cases ang ospital, COVID-19 related man o hindi.

Inihahanda na rin ng city legal department ang kasong paglabag sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act laban sa pasyente.

Nanawagan naman si Oreta sa publiko na magsabi nang totoo kung may sintomas man o exposure sa COVID-19 upang hindi mahawahan ang mga medical frontliner.

Noon lamang Abril ay isinara din ang Ospital ng Malabon matapos magka-COVID-19 ang ilang medical staff ng pagamutan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.