3 batang nawala sa Itogon nahanap na, suspek arestado | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 batang nawala sa Itogon nahanap na, suspek arestado

3 batang nawala sa Itogon nahanap na, suspek arestado

Micaella Ilao,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 20, 2020 08:30 AM PHT

Clipboard

ITOGON, Benguet — Nahanap na nitong Martes ang 3 batang nawala sa bayan na ito noong Lunes.

Sa Facebook nag-post ang mga magulang ng 3 bata para humingi ng tulong. Nawala ang 3 noong Lunes ng hapon habang naglalaro sa Barangay Tuding.

Edad 7 hanggang 8 ang mga bata.

"Di na namin kasi pinansin kasi sanay naman na kami na naglalaro sila doon sa kapitbahay namin tapos around 5 p.m. di pa sila umuuwi sa amin," ayon kay alyas "Rose," ina ng isa sa mga bata.

ADVERTISEMENT

Nitong alas-12 ng tanghali Martes, natagpuan ang mga bata malapit sa isang creek sa Barangay Gumatdang.

Arestado ang 48 anyos na lalaki na umano'y dumukot sa kanila.

"Base sa revelation ng relatives niya meron daw narinig 'yung mga tao dun na umiiyak na bata sa area doon... Successfully with the help of volunteers and barangay officials na-trace namin 'yung pinagtataguan nung bata at nandun din siya (suspek)," ani Police Maj. Rommel Sawatang, hepe ng Itogon municipal police station.

Rason ng suspek, hindi umano siya binigyan ng sahod ng kaniyang employer kaya niya ito nagawa.

"Nung tinanong namin kung may relationship 'yung mga bata tsaka employer niya wala naman. Wala naman, iba ang parents naman ng mga ito," sabi ni Sawatang.

Isasailalim pa sa kustodiya ng municipal social welfare officer ang mga bata.

Nahaharap ang suspek sa reklamong kidnapping at child abuse. Nasa kustodiya na rin ito ng Itogon police.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.