Inoculation site sa Maynila para sa Pfizer COVID-19 vaccine, dinagsa | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Inoculation site sa Maynila para sa Pfizer COVID-19 vaccine, dinagsa

Inoculation site sa Maynila para sa Pfizer COVID-19 vaccine, dinagsa

Jekki Pascual at Josiah Antonio,

ABS-CBN News

Clipboard

Dinagsa ng mga residente ang isang vaccination site sa Maynila na pagnanais na maturukan ng Pfizer vaccine kontra COVID-19, Mayo 18, 2021. Jekki Pascual, ABS-CBN News.​


Dinagsa ang vaccination site sa Maynila kung saan Pfizer vaccine kontra COVID-19 ang ituturok sa mga residente ngayong Martes.

Marami ang pumila simula madaling araw at ilan ang dumating na wala nang nadatnang bakuna.

Isa na rito ang residenteng si Kenneth Guda na, ayon sa kaniyang Facebook post, ay nakatanggap ng text message mula sa vaccination program bandang 10 ng gabi nitong Lunes para sa naturang bakuna.

Ayon kay Guda, lampas na sa bilang ng slots na maibibigay ang dami ng taong nakapila nang dumating siya sa vaccination site sa Manila Prince Hotel ngayong Martes.

Dagdag pa niya, alas-11 ng gabi pa lang ng Lunes ay marami na umano ang nakapila sa lugar. Namigay naman ang mga awtoridad ng numero para sa mga slots bandang alas-3 ng umaga ngayong Martes.

ADVERTISEMENT

“10pm last night, Manila's vaccination program texted me (and, apparently, many others) to invite me to be vaccinated with Pfizer. The site was to open at 6am. I got there at 7am; they did not accept anymore," ani Guda sa kaniyang Facebook post.

"The cop manning the lines said people started lining up at 11pm (they wanted people to come as soon as they texted?). They began giving numbers at 3am. The 900 slots they alloted were quickly filled up,” dagdag niya.

“When I arrived, there appeared to be more people outside the line than those lining up. Apparently, they texted thousands of people, most of whom showed up only to be turned back because only 900 doses were available."

Maayos naman ang sitwasyon sa unang bahagi ng pila sa Pfizer vaccine. Ito ang unang beses na ibinigay ang naturang bakuna sa non-medical frontliners sa Maynila.

Ayon sa Manila LGU, may 18 Sinovac vaccination sites ngayon, pero wala gaanong pila, ‘di tulad sa Pfizer site.

Hinihikayat nila ang publiko na magpabakuna na ng available brand.

Paalala ng lokal na pamahalaan na lahat ng brand ng bakuna ay ligtas.

Hiling naman ni Guda na mas mapabilis pa ang rollout ng bakuna at maibaba ito sa barangay level para hindi mahirapan ang mga residente.

“’Yung sa Manila Prince Hotel kasi, Pfizer, kaya siguro dinumog. Maybe they should think of ways to bring the vaccination down to the barangay level. I guess it would be difficult if the vaccines like Pfizer need special facilities,” sinabi ni Guda sa ABS-CBN News.

“But for those that do not need special facilities, maybe they could bring it down to the communities. So the senior citizens and the vulnerable are not exposed to added risks. Sa mga pila kasi, hindi maiwasang magdikit-dikit minsan.”

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.