Pagbabakuna sa economic frontliners, mga hikahos posibleng simulan sa Hunyo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbabakuna sa economic frontliners, mga hikahos posibleng simulan sa Hunyo

Pagbabakuna sa economic frontliners, mga hikahos posibleng simulan sa Hunyo

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Inaprubahan na ng Gabinete ang rekomendasyon na simulan na ang pagbabakuna sa mga economic frontliners at mga mahihirap kapag mas dumami na ang suplay ng bakuna sa bansa.

Ito ay kahit hindi pa natatapos mabakunahan ang mga medical frontliner, senior citizens at may mga comorbidity, na kabilang sa priority sector A1 hanggang A3.

I Nauna nang sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez, Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte na importanteng simulan na ang pagbabakuna ng mga susunod na sektor para makamit ng bansa ang herd immunity bago matapos ang taon.

"[K]ailangan, kumbaga, sa ano, lalakihan natin ang embudo kasi kung maliit ang embudo natin, wala po tayong, ano, wala tayong gaanong makukuha. So ang gagawin natin, lalakihan natin ang net para 'yong ano natin, 'yong tinatawag nating target population, lumaki," ani Galvez.

ADVERTISEMENT

Tinatayang nasa 12 milyon ang mga Pilipinong kabilang sa A4 category o economic frontliners, habang 16 milyon naman ang nasa A5 o mahihirap.

I Ayon kay Galvez, gagamitin ang mga bakunang donasyon mula sa COVAX facility sa mga nasa A5, habang ang mga biniling bakuna naman ang gagamitin sa mga A4.

Sinabi ni Duterte na kailangang bigyang prayoridad ang pagbabakuna ng mga mahihirap, kabilang na rin ang mga unipormadong sundalo at pulis, kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

"If there is a difficulty in getting them out of their respective communities, kayo na ang papasok doon. Enter the place, and do the vaccination there... Pauna ko yong mga pulis, pati military, because sila yong asahan ko," ani Duterte.

Dapat din daw, walang masayang na bakuna.

ADVERTISEMENT

Panukala naman ni Palace spokesman Harry Roque, gawing kondisyon sa pagtanggap ng ayuda para sa mga benepisyaryo ng 4P’s program ang pagbabakuna, lalo na ngayong marami pa rin ang alangang magpaturok laban sa COVID-19.

Pero kung ang Pangulo lang ang tatanungin, dapat 'wag nang lumabas ng bahay ang mga taong ayaw magpabakuna kaysa makapanghawa pa ng iba.

"We cannot force you. But then, sana, kung ayaw niyo magpabakuna, 'wag na kayo lumabas ng bahay para hindi na kayo maghawa ng ibang tao," ani Duterte.

Sa ngayon, umaabot na sa 3 milyon na bakuna ang naituturok ng gobyerno mula nang magsimula ang vaccine rollout noong Marso 1.

I Target ng gobyernong paabutin ng 70 milyon ang mabakunahan bago matapos ang taon.

—Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.