Ilang vaccination site na may Pfizer shots pinilahan; Duterte may paalala | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang vaccination site na may Pfizer shots pinilahan; Duterte may paalala

ABS-CBN News
Published May 18, 2021 07:07 PM PHT

MAYNILA - Madaling araw pa lang pumila sa labas ng isang hotel sa Maynila si Leonida Yabut para umabot sa mga quota ng mga puwedeng tumanggap ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine ng Pfizer.

Ngayon kasi ang unang pagkakataon na ibibigay ang Pfizer vaccine sa mga senior citizen at mga may comorbidity sa siyudad.

"Sa sobrang excited, gustong-gusto ko na mainjectionan ng Pfizer, pagkakataon na po. Takot ako sa iba, gusto ko talaga Pfizer,” ani Yabut.

Tinatayang nasa 3,000 katao ang pumila. Pero dahil limitado ang suplay, marami ang hindi umabot sa cut-off.
Tinatayang nasa 3,000 katao ang pumila. Pero dahil limitado ang suplay, marami ang hindi umabot sa cut-off.
ADVERTISEMENT
"Napapagod na kami... 'Yun di na kami pinapasok, sabi umuwi na kami. Grabe. Naiinis ako, sabi ko kasi ang tagal tagal namin nag-intay," ayon sa isa sa mga pumila na si Marita Soriano.

Hindi inasahan ng Manila City Health Office na dadagsain ang pagbabakuna kung saan maaaring Pfizer ang gagamitin.

"As early as 12:30 a.m. may mga nakapila na so pagdating ng mga 5-6 o'clock wala na ubos na number natin for 900. 'Yung iba dun na natulog para maka-avail ng Pfizer vaccine," ani Manila City Health Office chief Dr. Arnold Pangan.

May 18 vaccination sites pa ang Maynila na gamit ang bakuna ng Sinovac pero walang masyadong pila.

Pero ang ilan sa mga nakapila, okay lang din sa kahit anong brand ng bakuna.
Pero ang ilan sa mga nakapila, okay lang din sa kahit anong brand ng bakuna.
ADVERTISEMENT
"Kahit anong brand mas mahalaga kasi ngayon kahit ano yung available para na rin sa protection natin kasi madami na rin nagpapa-vaccine kasi marami na rin kasi ako pa lang una sa family namin, siguro 'pag nauna ako baka magpa-vaccine na rin sila,” ayon sa nagpabakunang si Mariel Torres.

Kung noong Lunes ay nagkagulo ang pila sa isang mall dahil sa dagsa ng mga gustong magpabakuna ng Pfizer ay mas maayos na ang sitwasyon ngayon dahil pinauwi na ang mga walk-in at hindi naka-schedule.

Suwerte namang nakasama ang dialysis patient na si Danilo Kabigting sa mga nabakunahan ng Pfizer vaccine sa Cuneta Astrodome, kung saan 100 doses ng Pfizer ang available.

Pero sa kaniyang talumpati gabi ng Lunes, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang mamili ng bakuna.

"They are all potent, they are all effective, so there’s no reason for you to be choosy about it," ani Duterte.
"They are all potent, they are all effective, so there’s no reason for you to be choosy about it," ani Duterte.
ADVERTISEMENT
Dagdag niya: "Kung ano ang nasa harap ninyo, ‘yon na. Do not ask for a special kind of... kasi bulto por bulto 'yan ibigay... It leaves a bad taste in the mouth. Masangsang sa dila 'yan, pero karamihan 'yung, meron naghihintay ng mga US, Moderna, Pfizer. Ang sabi ko, hindi mangyari 'yan. You cannot have... kung anong nasa harap n’yo, que milyonaryo ka o ano, iyon na 'yong iyo. Hindi ka mamili.”

Kamakailan lang binakunahan ng Sinopharm vaccine si Duterte matapos niyang sabihin na gusto niya ang bakuna mula sa Russia o China.

Ipinayo rin umano ito ng kaniyang doktor.

Siniguro naman ng Department of Health na lahat ng bakunang ginagamit sa bansa ay ligtas at mabisa.

"Kahit anong brand of vaccines, all vaccines that we are using now have been given an EUA have been found to be safe and with acceptable efficacy," ani Dr. Alethea De Guzman ng DOH Epidemiology bureau

Magmula Mayo 16, aabot sa 3,001,875 na ang nabakunahan kontra COVID-19. Sa bilang, 719,602 ang mga fully vaccinated - katumbas ng 1.24 porsiyento ng 70 milyong target para makamit ang herd immunity.

— Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
Pfizer vaccines
Manila
Manila COVID-19 vaccines
Sinovac
COVID-19 vaccine supply Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT