Babae patay matapos pagbabarilin habang tulog sa Iloilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae patay matapos pagbabarilin habang tulog sa Iloilo

Babae patay matapos pagbabarilin habang tulog sa Iloilo

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang babae matapos pagbabarilin habang natutulog sa Brgy. Pispis, bayan ng Maasin sa Iloilo, madaling araw ng Mayo 17.

Nakilala ang biktima na si Girlie Enriquez, 44 anyos at residente ng lugar.

Sa imbestigasyon ng Maasin PNP, nagulat na lamang ang kinakasama ng biktima na natutulog sa kabilang kubo nang marinig ang mga putok ng baril.

Makalipas ang pagputok ng mga baril ay narinig na lamang ang biktima na humihingi na ng tulong.

ADVERTISEMENT

Kaagad na dinala sa ospital ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival matapos magtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nakuha sa pinangyarihan ang walong basyo ng bala na pinaniniwalaang nanggaling sa 9 mm kalibreng pistol.

Iniimbestigahan ang insidente at ang motibo sa pamamaril. Tinutukoy din ang salarin na kaagad tumakas matapos ang insidente.

-- Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.