20 toneladang asukal bumuhos sa gilid ng kalsada sa Negros Occidental | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

20 toneladang asukal bumuhos sa gilid ng kalsada sa Negros Occidental

20 toneladang asukal bumuhos sa gilid ng kalsada sa Negros Occidental

Martian Muyco,

ABS-CBN News

Clipboard

SAGAY CITY - Nasa 20 toneladang asukal ang bumuhos sa gilid ng kalsada dito sa siyudad matapos tumagilid ang isang truck, Biyernes.

Maliit na sugat lamang ang tinamo ng driver na si Roldan Lawas sa insidente.

Ayon kay Lawas, namatay ang makina ng kaniyang truck habang bumabaybay sa isang papaakyat na bahagi ng daan kaya't dumausdos pababa ang sasakyan na may kargang asukal.

Saad ni Lawas, inihulog na lamang niya sa gilid ng daan ang truck para hindi na ito makabangga ng ibang sasakyan.

ADVERTISEMENT

Handa ang may-ari ng truck na bayaran at ipagawa ang mga concrete barrier na nasira dahil sa insidente, sabi ng mga pulis.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.