ALAMIN: Tips para sa mga buntis | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Tips para sa mga buntis

ALAMIN: Tips para sa mga buntis

ABS-CBN News

Clipboard

Pagbubuntis ang isa sa pinakamahirap pero pinakamasayang panahon para sa karamihan ng mga babae. Kaakibat nito ang responsibilidad na siguruhing ligtas at healthy si baby.

Sa ika-15 Buntis Congress ng DZMM noong Sabado, Mayo 13, higit 500 expentant moms ang dumalo at nagdiwang na rin ng Mother's Day. Maliban sa buong maghapon ng tawanan, kantahan, sayawan, libreng manicure, diamond peel, at iba pa, mayroon ding ilang lecture na inihandog tungkol sa pagbubuntis para sa mga dumalong nanay.

Isa sa mga lecture ay ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagbubuntis. Hindi ito pinalagpas ni Annalyn Ymas na kasalukuyang nagbubuntis sa kanyang ika-9 na anak.

Isa sa mga natutuhan ni Annalyn ang kahalagahan ng pag-inom ng malinis na tubig.

ADVERTISEMENT

''Kailangan alagaan yung baby habang nasa tiyan. Kumain ng masustansiya at uminom ng vitamins, at uminom ng maraming tubig,'' aniya.

Ito rin ang laging paalala ni Rosemarie Cortez sa kanyang anak na teenager na pitong buwang buntis, ''Laging tubig lang siya. Pinagbawal na rin namin sa kanya 'yung mag-softdrinks.''

''Mahalaga 'yun kasi doon nakasalalay 'yung baby niya kasi pag nakainom siya ng maruming tubig, maaaring maapektuhan 'yung baby niya,'' dagdag ni Aling Rosemarie.

Ayon sa mga eksperto, mahalaga sa buntis ang pag-inom ng 8-12 baso ng malinis na tubig para makaiwas sa fatigue, constipation, at urinary tract infection. Nakatutulong din ito para maging hydrated ang ina, lalo na ngayong matindi ang init ng panahon.

Mahirap pero fulfilling na trabaho ang pagiging ina. Kailangan lang ng tamang pag-iingat para sa ikabubuti ng anak.

-- Ulat ni Winnie Cordero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.