Malakas na pag-ulan, nagdulot ng mabagal na daloy ng trapiko sa Metro Manila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Malakas na pag-ulan, nagdulot ng mabagal na daloy ng trapiko sa Metro Manila

ABS-CBN News
Published May 17, 2022 08:55 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Salitang malakas at mahinang buhos ng ulan ang naranasan sa iba't ibang lugar sa Metro Manila ngayong Martes ng hapon.

Sa Quezon City, agad bumagal at sumikip ang daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan.

Naabutan din ng ulan ang mga pasaherong pauwi mula trabaho, gaya ng mga naghihintay ng masasakyan sa EDSA, Elliptical Road, at Commonwealth Avenue.

Pero sa EDSA, tuloy naman ang pagdating ng mga bus.
Pero sa EDSA, tuloy naman ang pagdating ng mga bus.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Metrobase ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi naman sila naka-monitor ng matinding pagbaha, bukod sa namuong tubig sa mabababang bahagi ng mga kalsada.

Nagkaroon naman ng matinding build-up ng sasakyan sa northbound at southbound lanes, partikular sa Ortigas papuntang Kamuning.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas ng 3:25 ng hapon, apektado ng pag-ulan na may kasamang pagkulog at kidlat ang Metro Manila at mga karatig-probinsya, na tinatayang aabot ng hanggang pasado alas-5 ng hapon.

Bandang 5:30 ng hapon, makulimlim at maambon ang panahon sa ilang bahagi ng Quezon City.

—ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT