Bahagi ng Philippine General Hospital, nasunog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng Philippine General Hospital, nasunog

Bahagi ng Philippine General Hospital, nasunog

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 16, 2021 05:38 PM PHT

Clipboard

Kuha ng Heart Response Team

MAYNILA (UPDATE) - Sumiklab ang sunog sa ikatlong palapag ng pay ward ng Philippine General Hospital sa Maynila pasado hatinggabi ng Linggo, ayon sa tagapagsalita nito.

Walang casualty sa insidente, ayon kay PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario. Nagdeklara ng fireout ang mga bombero alas-5:45 ng umaga nitong Linggo, dagdag niya.

Nasa 80 to 90 porsyento ng mga pasyente ay inilikas, kabilang ang mga COVID-19 patients, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Pansamantalang isasara ang emergency room ng PGH dahil dito dinala ang ilang pasyenteng inilikas, ani Del Rosario.

ADVERTISEMENT

"Una pong panawagan namin ay sarado pa po ang ER ng PGH. Hindi pa po kami pwedeng tumanggap ng pasyente sa ER po. Talagang we had to use these areas for our patients na na-displace po," aniya sa panayam sa ABS-CBN TeleRadyo.

Naihiwalay ang mga COVID-19 patient sa mga non-COVID patients, dagdag ni Del Rosario.

"We're very aware na hindi mo pwede paghaluin. May sistema naman po ang PGH. Nahati namin ang PGH sa dalawa, may iniikutan lang na pathway ang COVID at non-COVID," aniya.

Nasunog ang parte ng ikatlong palapag ng ospital na may mga operating rooms, ayon kay Fire Senior Insp. Hector Agadulin, chief of operations ng Manila Fire Department.

Aniya, nagsimula ang sunog sa linen area ng operating room kaya mabilis din kumalat dahil mga tela ang nasa storage room.

"Ang kuwento ng mga guards diyan, biglaan na lang may makapal na usok na lumalabas from the hallway. Operating room daw nila yung 3rd floor. So yung linen area kasama doon sa operating room, dito po nakita yung sunog, yung apoy," aniya.

Napakakapal umano ng usok sa third floor kaya nahirapan ang mga bombero. Ni-require ni Agadulin ang lahat ng bombero na magsuot ng breathing apparatus dahil sa kapal ng usok.

"Pagpasok namin, puro usok. Hindi makapasok yung walang breathing apparatus. So I required everybody na lahat may breathing apparatus, yun lang pwede pumasok sa 3rd floor," aniya.

Kuha ni Rodiver Ignacio, Caloocan East Fire Rescue Volunteer

Sa tantiya ng bombero, nasa 500 na mga pasyente ang kailangan ilikas mula sa gusali. Marami sa mga pasyente hindi makalakad ng maayos at kailangan ng tulong.

"Lahat gusto makalabas sa rooms nila, pati mga doctors nurses. Nakikita ko effort nila na evacuate yung mga patients nila. Pero marami ang mga patients, nagdikit-dikit na rin sa hallway at sa labas," ani Agadulin.

Dagdag niya, base sa natanggap niyang impormasyon, may 156 COVID-19 patients ang inilikas rin.

Pero, sa panayam kay Del Rosario bago mag-alas 8 nitong umaga, sinabi nitong may mga pasyente nang nakabalik sa kanilang mga kuwarto, samantalang ang iba ay nasa ER pa rin.

Hindi pa tiyak kung kailan mabubuksan ang ER, pero inaasahang makababalik na sa kani-kanilang ward ang lagat ng pasyente bukas.

Samantala, kabilang ang mga bagong silang na sanggol ang inilipat muna sa ibang ospital. Ayon kay Dr. Grace Padilla, direktor ng Sta. Ana Hospital sa Maynila, may 12 patients mula sa PGH Neonatal Intensive Care Unit (NICU) ang kanilang tinanggap.

Ayon naman kay Dr. Karl Laqui, direktor ng Ospital ng Maynila, may 2 pasyenteng isasailalim dapat sa appendectomy sa PGH ang inslipat din muna sa kanila.

Bukod sa nahirapan ang mga bombero dahil sa kapal ng usok, may dagdag din silang pangamba dahil ang PGH ay ang pangunahing COVID referral hospital sa bansa.

"May takot din kami dahil alam namin na ang PGH ay isang COVID hospital. Pero tungkulin namin ito. Kailagan gampanan namin ang tungkulin namin at hanggat maari natutuwa kami wala naman nasaktan," aniya.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at nanawagan ang Manila Fire Department sa lahat ng ospital na i-review ang fire safety practices at laging makipag-coordinate sa kanila para maiwasan ang sunog sa ospital lalo ngayong may health emergency sa bansa.

Umapela ng tulong ang PGH sa publiko matapos ang sunog. Nangangailangan ito ng industrial fans at oxygen tanks at tumatanggap ng in-kind at cash donations, ayon sa pahayag ng ospital sa official Facebook page nito.

Maaaring tawagan o i-text sina Julius Cantiga sa 0935-272-3228 o Renee Co sa 0923-479-1867 para sa mga katanungan.

- may ulat ni Gillan Ropero, ABS-CBN News

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.