#HalalanResults: Magsasaka pinutol ang paghahari ng isang pamilya sa Narra, Palawan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
#HalalanResults: Magsasaka pinutol ang paghahari ng isang pamilya sa Narra, Palawan

Rex Ruta,
ABS-CBN News
Published May 16, 2019 12:41 AM PHT
|
Updated May 16, 2019 01:10 AM PHT

PALAWAN - Pinutol ng isang magsasaka ang 3-dekada na paghahari ng isang political family sa bayan ng Narra sa Palawan sa katatapos na halalan.

Panalo si Gerandy Danao bilang alkalde ng bayan laban sa katunggaling si Lucy Demaala. Nagkamit si Danao ng 15,062 boto habang si Demaala ay nakakuha ng 14,029 na boto.

Pag-aalaga ng kambing ang ilang taon nang pinagkakaabalahan ni Danao. Dito siya nakilala ng ilang mga kababayan sa Narra dahil sa araw-araw na pamumutol ng sanga ng ipil-ipil para sa pagkain ng mga alaga.

Dahil nakatira rin malapit sa dagat, pangingisda rin ang kinalakihang pamumuhay ni Danao.

ADVERTISEMENT
"Kung walang maglalakas ng loob na tumakbo, sino ang lalaban?" aniya.

Suntok sa buwan ang kaniyang pagtakbo na ang pinanghahawakan lang ay tibay ng loob. Kapos siya sa pondo, walang makinarya, at umaasa lang sa iniaabot na donasyon ng mga kaanak at kaibigan.

Samantala, ang kalaban ay tumatak na ang pangalan ng pamilya na mahigit 3 dekada nang inako ang posisyon.

"Kasi ang tagal ng panahon pero wala pa ring pagbabago. Alam ko sa sarili ko na kaya ko ang responsibilidad na ito lalo pa kung para rin sa bayan ko," ani Danao.

Sa kaniyang panunungkulan, tututukan niya ang mga programa para sa agrikultura at turismo, maging ang pagsasaayos ng patubig.

Para sa kaniyang mga taga-suporta, ang laban para sa mga mahihirap ay makakamit kung ang isang lider ay ramdam din ang kanilang hinaing.

Nabigyan sila ng panibagong pag-asang mawawakasan na ang dinastiya at makakasabay sa unti-unting pag-unlad ng bayan.

"Kahit wala po siyang pera, inilaban namin siya kasi siya lang ang naging matapang para labanan sila," ani Monalisa Gintullaga.

Para kay Maria Selme Soriano, "Gusto po namin na matigil na 'yung ilang taong sila na lang ang nagpapalitan sa puwesto."

Click here for ABS-CBN's election results.

Read More:
Regional news
Tagalog news
elections
polls
2019 elections
Halalan 2019
Narra
Palawan
farmer
fisherman
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT