Lalaki, natagpuang pugot, nakagapos sa Negros Oriental | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki, natagpuang pugot, nakagapos sa Negros Oriental

ABS-CBN News
Published May 16, 2018 03:50 PM PHT

Isang katawan ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan na walang ulo at nakatali ang mga kamay at paa sa Dauin, Negros Oriental nitong Martes.

Ayon kay Senior Police Officer 2 Ernesto Credo, desk officer ng Dauin Police Station, nadiskubre ng mga residente ang bangkay dahil magdadalawang araw nang nangangamoy ang kanilang paligid.

Sa pagsusuri, may tama ng bala sa kaliwang dibdib ang naturang katawan.

Posible umanong tinapon lamang sa lugar ang lalaki at sa ibang lugar ito binaril at pinugutan.
Posible umanong tinapon lamang sa lugar ang lalaki at sa ibang lugar ito binaril at pinugutan.
ADVERTISEMENT
Nananawagan naman ang Philippine National Police (PNP) sa mga nawawalan ng kaanak na mag-report sa pulisya para makilala ang bangkay.

Inilibing na nitong Miyerkoles ng umaga sa Dauin Public Cemetery ang bangkay dahil nasa decomposition stage na ang katawan nito.

--Ulat ni Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT