Lalaki, sugatan matapos hatawin ng lagari | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Lalaki, sugatan matapos hatawin ng lagari

Diana Lat,
ABS-CBN News
Published May 16, 2017 10:03 AM PHT
PUERTO PRINCESA CITY - Duguan at maga ang kanang kamay ng isang lalaki matapos siyang hatawin ng lagare ng kapwa driver noong Lunes sa Santol Road, Barangay San Jose.

Galing umano sa inuman si Romualdo Baca at tatlo pang kasamahan sakay ng pulang kotse nang makasalubong nito ang isang asul na tricycle.

Natalsikan ng tubig ang driver ng tricycle nang mapadaan sa lubak ang sinasakyan nina Baca, na nahantong sa pagkakainitan ng dalawang panig.

Paliwanag ng driver ng tricycle, inakala niyang dudumugin siya ng mga sakay ng kotse kaya't agad nitong binunot ang dalang lagari at hinampas kay Baca.

Bakas pa sa pinangyarihan ng insidente ang dugo ng biktima.

Ayon sa nakakita, matapos matalsikan ng tubig ang driver ng tricycle ay hinarang nito ang kotse. Nang bumababa ang isa sa sakay ng kotse, nagkasagutan na ang dalawa.

Dinala naman ang dalawang panig sa istasyon ng pulis upang makapag-usap kung magsasampa ng kaso o iaareglo na lang ang reklamo.