ALAMIN: Paghahanda ng malls sa kanilang 'partial' opening sa ilalim ng MECQ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Paghahanda ng malls sa kanilang 'partial' opening sa ilalim ng MECQ

ABS-CBN News
Published May 15, 2020 06:01 PM PHT
|
Updated May 15, 2020 10:09 PM PHT

MAYNILA - Naghahanda na ang mga mall sa bahagyang pagbubukas ng kanilang mga establisimyento sa Mayo 16, Sabado, kasabay ng pagpapatupad ng mas pinaluwag na quarantine sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Simula kasi Sabado, ang Metro Manila, Laguna, at Cebu City ay isasailalim na lang sa modified enhanced community quarantine (MECQ) habang ang ibang bahagi ng bansa ay nasa general community quarantine na lamang.

Magbubukas na ang mga restoran at iba pang kainan, pero bawal ang dine-in at para lang ito sa mga take-out o kaya delivery, alinsunod sa mga patakaran na inilatag ng Inter-agency Task Force for Emerging Infectious Diseases sa pagpapatupad ng MECQ.

Bawal din ang mga gym, sports facilities, sinehan, leisure establishments, at maging ang mga personal care services tulad ng barberya, salon, spa at facial clinics.

Sa Uptown Mall sa Taguig, inumpisahan na ang paglilinis sa buong gusali. Nakalatag na rin ang mga health at safety protocol.

Bago pumasok sa mall, dapat munang dumaan sa mga temperature at disinfection chamber. Kukuhanin ang temperatura at may sanitizer na inilagay doon.

Sakaling nasa 37.6 degrees Celsius pataas ang temperature ng kostumer, hindi na muna papayagang pumasok ito at ire-refer ng mga guwardiya sa medical team.

Gagamit din ng UV light sa paglilinis ng escalator at handrails at ipapatupad ang physical distancing sa elevator. Kailangan ding naka-face mask ang mga kostumer bago pumasok.

Dinadaan din ang mga empleyado ng mall sa rapid COVID-19 test.
Dinadaan din ang mga empleyado ng mall sa rapid COVID-19 test.
ADVERTISEMENT
"We’ve put the safety of our employees as prerequisite of everything we do. It is a requirement that we have COVID-19 rapid test, that is ongoing as we speak by the time that we open tomorrow, all our frontliners will be tested," ani Graham Coates, 1st VP and Head ng Megaworld Lifestyle Malls.

Sa SM Supermalls naman, maya't maya ang paglilinis ng sahig hanggang sa lahat ng mga madalas na mahawakan ng tao tulad ng grocery at shopping carts, door knob ng mga palikuran, ATM, at escalator handrails.

Pero mas madalas ang pag-disinfect sa mga banyo na lilinisin kada 30 minuto.

Tanggal din ang libreng wifi at maglalagay ng directional arrows sa mga common area para hindi magkumpulan ang mga tao.

Todo-linis din ang Ayala Malls at nakikita nila ang malaking pagbabago sa paraan ng pamimili kaya bumuo sila ng mga digital platform para sa mga kostumer. Babawasan ang temperatura ng mall at ipagpapaliban ang singil ng mga rental payment.

"We also recognize that we need to transform how we operate to adapt to the new normal. One of the notable things that COVID-19 brought about is an accelerated shift to digitalization as e-commerce flourished during the lockdown. We have thus focused a considerable amount of energy on developing our digital platforms," ani Jennyle Tupaz, President ng Ayala Land Malls.

Sisikapin din daw nilang mabigyan ng shuttle service ang kanilang mga empleyado.

Titiyakin ding limitado ang bilang ng mga papasok sa mall alinsunod sa sukat nito.

Paalala ng mga mall operator, magsuot ng face mask at huwag nang tumuloy kung masama ang pakiramdam.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT