10 boto, lamang ng nanalo sa pagka-gobernador sa Kalinga; kalaban magpoprotesta | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

10 boto, lamang ng nanalo sa pagka-gobernador sa Kalinga; kalaban magpoprotesta

10 boto, lamang ng nanalo sa pagka-gobernador sa Kalinga; kalaban magpoprotesta

Justin Aguilar,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 15, 2019 08:15 PM PHT

Clipboard

Panalo si Ferdinand Tubban sa pagka-gobernador sa Kalinga. Sampung boto lang ang kaniyang lamang sa pinakamalapit na kalabang si James Edduba (LAKAS). Larawan mula sa City Information Office ng Tabuk City

Naiproklama na ang kandidatong nanalo sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Kalinga, Miyerkoles.

Sampung boto lang ang lamang ni Ferdinand Tubban (PDPLBN) na nakakuha ng 39,148 laban kay James Edduba (LAKAS) na 39,138.

Alas-3 ng hapon ng Martes ay nanguna pa si Edduba pero matapos ang 30 minuto ay naungasan na siya ni Tubba nang makompleto ang transmission ng mga boto mula sa 250 voting precincts sa probinsiya.

Sa panayam sa telepono kay Edduba, sinabi nitong nakatakda ang kaniyang kampo na maghain ng protesta.

ADVERTISEMENT

“We're going to file a protest. I talked with my lawyers this morning, mga legal, advisers. Ngayon, we decided. I consulted the members of my family, sila yung nagre-request na please, please file a protest para makita natin kung ano talaga ang nangyari doon,” sabi ni Edduba.

Sinubukan din ng news team na hingan ng pahayag si Tubban pero hindi ito sumasagot sa tawag at text.

Kasalukuyang bise-gobernador ng Kalinga si Edduba habang mayor naman ng lungsod ng Tabuk si Tubban.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.