Magkapatid na natutulog sa gilid ng kalsada pinagbabaril | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkapatid na natutulog sa gilid ng kalsada pinagbabaril

Bianca Dava,
ABS-CBN News
Published May 15, 2017 09:36 AM PHT

JUST IN: Magkapatid na lalaki, sugatan nang pagbabarilin sa Mata St., Tondo sa Maynila @ABSCBNNews pic.twitter.com/iZQVSnE5sD
— Bianca Dava (@biancadava) May 14, 2017

MAYNILA - Sugatan ang magkapatid na lalaki matapos pagbabarilin habang natutulog sa gilid ng kalsada sa Tondo, Maynila Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktimang sina Rudy at Ramil Fernandez, na natutulog sa gilid ng Mata St. sa Tondo nang sila ay barilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Ayon sa mga residente, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang makarinig sila ng mga putok ng baril. Bago nito may napansin na umano silang 2 lalaking nakamotorsiklo at nakamaskara sa lugar.

Samantala, kinumpirma ni Eric Simbiling, chairman ng Brgy 108 Zone 9, na gumagamit ng droga ang mga ito pero hindi umano sila sumama sa Oplan Tokhang.

Dagdag pa ni Simbiling, labas-masok rin ang dalawa sa kulungan dahil sa mga kaso ng pagnanakaw at droga. Pangangalakal aniya ng basura ang ikinabubuhay ng mga ito.

Nagpapagaling ang magkapatid sa Tondo General Hospital habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang posibleng motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril.