DOH nagbabala sa paliligo sa ulan sa gitna ng pandemic | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOH nagbabala sa paliligo sa ulan sa gitna ng pandemic

DOH nagbabala sa paliligo sa ulan sa gitna ng pandemic

ABS-CBN News

 | 

Updated May 15, 2020 06:45 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Nagbabala ang Department of Health na huwag hayaang maligo ang mga bata sa ulan lalo na't may banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kasunod ito ng mga napapaulat na insidente na may mga naliligo sa ulan ngayong may matinding init sa mga nagdaang araw.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring ma-expose ang mga naliligo sa iba't ibang klase ng mikrobyo na dapat pag-ingatan lalo na't may COVID-19 pandemic.

"Ang pagligo sa ulan ay maaring hindi mismo ang makapagdulot ng sakit ngunit... Ang pag-expose sa mga bata sa iba't ibang klaseng mikrobyo kapag sila ay naligo sa ulan," ani Vergeire sa text message sa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

May ilan umanong residente, gaya ni Vladimir Beltran ng Barangay Cembo sa Makati City, na lumabas ng bahay para magtampisaw sa ulan ngayong tag-init.

"Nabo-boring na rin po kami sa loob kaya nung ulan po lumabas kami para enjoy naman po. Para maibsan na rin po ang init," paliwanag niya.

May ilan ding mga kabataang naligo sa Pasig River.

May mga pagkakataon din umano na lumabag sa physical distancing rules ang mga residente.

Paalala ni Vergeire, sabihan ang mga anak na huwag munang maligo sa ulan at iwasan muna ang pagpapaligo lalo na't baka maging dahilan ito para makipaglaro.

Ipinapatupad kasi aniya ang enhanced community quarantine kung saan inaanyayahan ang pag-iwas sa pagkukumpol-kumpol.

"Ang pagpapaalala sa mga magulang na sabihan ang mga anak na iwasan muna maligo sa ulan, lalong-lalo na baka maaring maging simula ng pakikisalamuha ng kanilang mga anak sa ibang bata sa komunidad," ani Vergeire.

-- Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.