'I don't feel victorious': Abby Binay iniinda ang pagkatalo ng ama | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'I don't feel victorious': Abby Binay iniinda ang pagkatalo ng ama

ABS-CBN News
Published May 14, 2019 06:33 PM PHT
|
Updated May 14, 2019 07:25 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA — Inamin ni Makati Mayor Abby Binay na sinadya niyang hindi humarap sa mga tao sa proklamasyon niya bilang alkalde dahil sa "sama ng loob."

Natalo kasi sa pagkakongresista ang ama niyang si dating Vice President Jejomar Binay ni dating acting Makati Mayor Kid Peña.

"Hindi na lang ako pumunta sa proclamation because it is a bittersweet victory. Kumbaga, mahirap magsaya kung 'yung isang family member mo hindi nanalo so... Actually kahit ako hindi masaya," ani Abby.

"Sabi ko nga, natalo ako kasi natalo daddy ko. I don't feel victorious today. Siguro kailangan ko munang tingnan 'yung [lagay ng] dad ko," dagdag niya.

Sabi pa ni Abby, mas mabuti kung ang ama na lamang niya ang nanalo kaysa siya.

"Gusto ko nga matalo na lang, manalo na lang 'yung dad ko."

Halos lahat ng kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Makati ay panalo gaya ni Abby, pati ang vice-mayor, at mambabatas sa ika-2 distrito.

Ayon sa alkalde, posibleng hindi nakapangampanya ang ama niya dahil tutok ito sa kandidatura niya at iba pang kapartido.

"Actually kung tutuusin... walk in the park 'yung kay Dad... So, in a way, si Dad hindi naman siya kumakampanya para sarili niya eh. Kumakampanya siya para sa akin, para dun sa team," sabi ni Abby.

Si Abby ang kinampihan ng ama sa pagka-mayor kontra sa isa pa nitong anak na si Junjun.

Plano ni Abby ngayon na magpahinga at bigyan ng atensyon ang ama.

"Alalayan ko 'yung daddy ko, susuportahan ko sya, 'yun ang plano today... That's the right thing to do."

—Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT