2 hinihinalang holdaper tiklo sa Sta. Cruz, Maynila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 hinihinalang holdaper tiklo sa Sta. Cruz, Maynila

ABS-CBN News
Published May 13, 2021 06:32 AM PHT

Timbog ang 2 kabataang nahuli sa Oplan Sita ng Sta. Cruz Police Miyerkoles ng gabi.

Magkaangkas sa motorsiklo ang 18 anyos at 21 anyos na mga lalaking umiwas sa checkpoint malapit sa isang mall sa Herrera corner Rizal Avenue.

Dahil walang helmet at kahina-hinala ang pag-iwas nila, sinita sila ng mga pulis.

Sa pagmamadali, sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo at nasugatan pa ang dalawa.

ADVERTISEMENT
Noon rin tumambad ang bitbit nilang mga baril na 9mm at calibre 22.

Ayon kay Police Col. John Guiagui, commander ng Sta. Cruz Police, sangkot umano ang dalawa sa panghoholdap at robbery snatching sa Taguig, Caloocan at Maynila.

Isa sa kanila ay may dati na ring kasong may kaugnayan sa droga.

Parehong taga-Sta. Cruz ang mga suspek pero ayon sa kanila, sa ibang lugar sila nagnanakaw para hindi sila makilala.

Kapos lang sila umano kaya nila nagagawa ang panghoholdap.

Nanghihiram pa sila ng motorsiklo na ginagamit nilang getaway vehicle at wala pa silang driver’s license.

Aminado rin ang mga suspek na may kakilala na silang pinagbabagsakan ng mga nakaw na gamit at naibebenta nila ng P2,000 ang mga cellphone.

Handa naman silang makipagtulungan sa mga pulis para maituro ito.

Magkakapatong na kasong disobedience to a person in authority, paglabag sa motorcycle Helmet act, driving without license, at illegal possession of firearms and ammunition ang haharapin ng dalawa.

Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT