2 umano'y bodyguard ng kandidato, nakuhanan ng baril, bala | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 umano'y bodyguard ng kandidato, nakuhanan ng baril, bala

2 umano'y bodyguard ng kandidato, nakuhanan ng baril, bala

Grace Alba,

ABS-CBN News

Clipboard

PAOAY, Ilocos Norte -- Arestado ang dalawang lalaki matapos silang mahulian ng mga baril at bala sa Barangay Callaguip sa Paoay, Ilocos Norte Sabado pasado alas-10 ng gabi.

Kinilala ang mga ito na si alyas "Bong" ng Barangay Dardarat, Tagudin, Ilocos Sur at alyas "George" na tubong Gerona, Tarlac.

Parehong retiradong kasapi ng Philippine Navy ang dalawa.

Ayon sa hepe ng Paoay Police Station na si Police Captain Eddie Suyat, nakatanggap sila ng ulat na may dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo na paikot-ikot at may dalang baril sa nasabing barangay.

ADVERTISEMENT

Agad naman silang rumesponde at nahuli ang dalawa.

Nakuha ang isang caliber .38 na may limang bala at isang caliber .45 na may limang bala mula sa dalawa.

Wala namang naipakita ang dalawa na anumang dokumento o lisensya ng kanilang baril.

Paliwanag nila na namamasyal lamang sila at proteksyon nila ang kanilang mga baril.

Lumalabas na bodyguard ang dalawang suspek ng isang kumakandidatong alkalde na itinanggi naman ng dalawa.

Haharap ng kasong paglabag sa election gun ban at illegal possession of firearms and ammunition ang dalawa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.