'Pure joke': Duterte tinawag na 'tanga' ang naniwala sa sinabi niyang pag-jetski pa-Spratlys | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Pure joke': Duterte tinawag na 'tanga' ang naniwala sa sinabi niyang pag-jetski pa-Spratlys

ABS-CBN News
Published May 11, 2021 04:11 PM PHT
|
Updated May 11, 2021 09:29 PM PHT

MAYNILA — Tinawag na "stupid" o tanga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naniwala sa kaniyang sinabi noong kampanya na magje-jetski siya papuntang Spratlys sa South China Sea—na inaangkin nang buo ng China—dahil isa lang umanong "pure campaign joke" iyon.

"Panahon sa kampanya ‘yan at saka iyong biro na ‘yon, we call it bravado... Iyong bravado ko was a pure campaign joke, at kung naniniwala kayo sa kabila, pati na siguro si [retired Supreme Court justce Antonio] Carpio, I would say you’re stupid,” ani Duterte sa isang taped speech na pinalabas Lunes ng gabi.

Isa ang pag-jetski papuntang Spratlys sa mga tumatak na pahayag ni Duterte noong nangangampanya para mahalal na pangulo noong 2016.

Tanong ng mangingisdang si Carlo Montehermezo sa isang debate noong Abril 2016: "Ano ang pwede niyong gawin para sa aming mangingisda na hindi kami mataboy ng Chinese coast guard at para makapamingwit kami nang mabuti at mapayapa?"

ADVERTISEMENT
Sagot naman ni Duterte, sasakay siya ng jetski at itatanim ang watawat ng Pilipinas sa airport na ginawa ng China sa Spratlys.

Pero noong 2017, sinabi niyang hindi na niya itatanim ang bandila ng Pilipinas sa Spratlys bilang respeto sa China.

Hulyo 2016, matapos mahalal si Duterte, nang lumabas ang hatol ng arbitral tribunal sa The Hague, Netherlands kung saan sinabing walang batayan ang pag-angkin ng China sa halos buong South China Sea, kung saan kabahagi ang West Philippine Sea.

Isinantabi ni Duterte ang desisyon para pausbungin ang pagkakaibigan sa China, partikular ang pagtangggap ng tulong pang-ekonomiya at pamumuhunan sa negosyo.

KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
South China Sea
West Philippine Sea
fishermen
hanapbuhay
fisher
mangingisda
Rodrigo Duterte
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT