ALAMIN: Mga alternatibong work arrangements para sa gov't workers | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga alternatibong work arrangements para sa gov't workers

ALAMIN: Mga alternatibong work arrangements para sa gov't workers

ABS-CBN News

 | 

Updated May 11, 2020 08:10 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inilabas na ng Civil Service Commission (CSC) ang iba-ibang alternatibong work arrangement para sa mga nagtatrabaho sa gobyerno habang patuloy na hinaharap ng bansa ang krisis bunsod ng coronavirus disease (COVID-19).

Maaaring magamit ng mga ahensiya ang gobyerno ang mga 5 itinakdang work arrangements simula Mayo 22, sabi ngayong Lunes ni CSC Commissioner Aileen Lizada.

Una rito ay ang work-from-home arrangement, lalo na para sa mga government worker na mahina ang pangangatawan.

Pinapayagan din ng komisyon na mag-iwan ng skeleton work force sa mga opisina ng gobyerno o pagkakaroon ng 4-day compressed work week para sa mga empleyado.

ADVERTISEMENT

Sa staggered working hours, maaaring pumili ng oras na puwedeng pumasok sa opisina ang mga empleyado at ituloy na lang sa bahay.

Puwede rin namang pagsamahin ang mga nabanggit na work arrangement o iba pang klase ng work arrangement.

Ayon kay Lizada, may kapangyarihan pa rin ang pinuno ng isang ahensiya na tukuyin kung aling arrangement ang nababagay sa opisina.

Iginiit naman ng komisyon na kung kailangan talaga ang pisikal na presensiya ng isang manggagawa sa opisina, kailangan pa ring sundin ang mga protocol sa pagkakaroon ng minimum health standards gaya ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.

-- Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.