Punong barangay sugatan sa pamamaril sa Iloilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Punong barangay sugatan sa pamamaril sa Iloilo

Punong barangay sugatan sa pamamaril sa Iloilo

Joyce Clavecillas,

ABS-CBN News

Clipboard

Sugatan ang isang punong barangay sa bayan ng Sara, Iloilo matapos barilin sa labas ng kaniyang bahay nitong Sabado ng hapon.

Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan si Barangay Preciosa chairman Ronnie Dorde na dinala sa ospital sa Iloilo City.

Ayon sa pulisya, binaril si Dorde ng residenteng si Edgar Somera at 3 hindi pa kilalang salaring sakay ng motorsiklo.

“Pagbalik nila sinita sila ni kapitan, pagsita parang nagkasagutan. Yung isang nasa likod ni Somera kumuha ng baril sa sling bag niya at binaril si kapitan," ani Police Capt. Asension Ortizo, acting chief of police ng Sara Municipal Police.

ADVERTISEMENT

Pero ayon kay Barangay Secretary Jenelyn Cabaluna, walang sagutang nangyari. Tinawag lang umano ng punong barangay si Somera upang kausapin, pero paglabas nito sa kaniyang bahay ay binaril na ng kasama ni Somera.

"Sa unang putok natamaan si kap. Tatlong beses siyang (gunman) nagpaputok," aniya.

Sa nakuhang impormasyon ng pulisya, supporters ng magkatunggaling kandidato sa pagka-alkalde ng Sara ang biktima at si Somera. Away politika ang tinitingnang motibo sa nangyaring insidente.

“Baka dinududahan ni kapitan na supporter sa kabila o namimili ng boto," ani Ortizo.

Ayon naman sa ilang residente ng barangay, si Somera ay lider ng isang mayoralty candidate ng Sara.

Narekober sa crime scene ang 2 basyo ng kalibre .45 pistol at ang motorsiklo ng mga nakatakas na suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.