Comelec, may paalala sa mga botante | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Comelec, may paalala sa mga botante
Comelec, may paalala sa mga botante
ABS-CBN News
Published May 11, 2018 11:47 PM PHT

Nagbigay ng mga paalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante, lalo't inaasahan na dadagsa ang mga boboto sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Lunes, Mayo 14.

Ayon sa Comelec, dapat ay tiyakin ng mga botante na tama ang kanilang gagamiting balota.

Nangangamba ang ahensiya na magkaroon ng kalituhan dahil dalawa ang gagamiting balota, isa para sa barangay at isa sa SK.

Anila, itim ang tinta ng balota para sa barangay, habang pula naman para sa SK.

ADVERTISEMENT
Dapat din anila ay siguraduhin ng mga boboto na tama ang posisyon at pangalang isusulat sa balota.

Nagpaalala rin ang Comelec na bawal mag-selfie sa loob ng mga presinto at bawal kuhanan ang balotang may mga pangalan na.

Hindi rin hinihikayat ng Comelec ang pagpo-post sa social media at paggamit ng hashtag.

Samantala, tiniyak ng Comelec na handang-handa na sila para sa darating na eleksiyon.

"We have deployed most of our materials already, finishing some minor things," sabi ni acting Comelec chairman Al Parreno.

Magtatalaga naman ang ahensiya ng mga accessible na polling precinct sa bawat polling center para sa mga senior citizen, buntis, at person with disabilities.

Ginupit na rin ng Comelec ang mahigit 1 milyong excess at spoiled ballots.

"We want to make sure that the excess and defective ballots... will not be used as a means to propagate dishonesty and fraud on election day," sabi ni Ma. Victora Dulcero, vice chairperson ng Comelec printing committee.

Nanawagan naman ang mga election watchdog na bantayan ang huling dalawang araw ng halalan.

"Dito mangyayari lahat ng vote-buying, vote-selling o 'yung pataasan ng presyo ng boto," sabi ni Atty. Ona Caritos ng LENTE.

Nanawagan din ang Department of Interior and Local Government sa mga pulis na huwag nang makihalo sa pulitika at siguraduhin na lamang na maging mapayapa ang halalan.

--Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
halalan
barangay elections
SK elections
Sangguniang Kabataan
Comelec
Commission on Elections
TV Patrol
Ron Gagalac
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT