Ilang lugar sa Davao City, nakaranas ng pagbaha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Ilang lugar sa Davao City, nakaranas ng pagbaha

Ilang lugar sa Davao City, nakaranas ng pagbaha

ABS-CBN News

Clipboard

Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News

DAVAO CITY - Nakaranas ng pagbaha ang ilang lugar sa Davao City nitong Miyerkoles ng gabi dahil sa sunod-sunod na pag-ulan.

Sa Obrero Street, napasok ng tubig bahay ang ilang bahay at establisimyento sa lugar.

Sa mga kalye rin ng Suazo at Uyangguren, tumaas rin ang lebel ng tubig.

Tumirik naman ang isang pampasaherong jeep sa J.P. Laurel Avenue.

ADVERTISEMENT

"Mahirap talaga. Naawa ako sa drayber kasi kailangan pa niya 'yan ipaayos," ani Jezreel Lawa, isa sa mga apektadong pasahero.

Nakaantabay naman ang City Transport and Traffic Management Office (CTTMO) upang tulungan ang mga nastranded na mga sasakyan. - ulat ni Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.