Babae, binaril ng kapitbahay dahil umano sa away sa kambing | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae, binaril ng kapitbahay dahil umano sa away sa kambing

Babae, binaril ng kapitbahay dahil umano sa away sa kambing

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang isang babae matapos pagbabarilin umano ng kaniyang kapitbahay sa Bagong Silang, Caloocan City Miyerkoles ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Gladys Gunave, 23-anyos.

Kuwento ng kinakasama ng biktima na si Jim Perez, dumating umano ang kanilang kapitbahay na si alyas Tony kasama ang 2 lalaki na armado ng baril pasado alas-11 ng gabi.

Pilit umano silang pinapalabas ni Tony ng bahay.

ADVERTISEMENT

Umalis ang suspek at pagbalik ay may suot na itong bonnet at may hawak na tubo.

"Pinuwersiya niya po pinto. Tapos noong nasira...bigla silang nagpaputok," aniya.

Paniwala ni Perez na siya talaga ang target ng mga suspek.

Posibleng may kinalaman umano ito sa alagang kambing ni Tony.

"Binabato ko kambing nila dahil kinakain mga pananim ko dito," aniya. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.