9 sugatan sa 7 na mga pagsabog sa 2 bayan sa Maguindanao | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

9 sugatan sa 7 na mga pagsabog sa 2 bayan sa Maguindanao

9 sugatan sa 7 na mga pagsabog sa 2 bayan sa Maguindanao

ABS-CBN News

Clipboard

Siyam ang sugatan sa pitong magkahiwalay na pagsabog sa bayan ng Datu Unsay at Shariff Aguak, Maguindanao pasado alas siete ngayong gabi.

Ayon kay PNP Maguindanao Provincial Director, Police Colonel Jibin Bongcayao, limang pagsabog mula sa grenade launcher ang yumanig sa loob ng municipal hall compound ng Datu Unsay Maguindanao kung saan siyam ang sugatan.

“Yung compound ng munisipyo may mga tao na nandoon. Ito yong mga constituents ng Datu Unsay mula sa malalayong barangay at mga 6 hours yong biyahe nila kaya pumunta na sila sa compound para mahintay nila ang pagboto nila bukas,” ayon pa kay Bongcayao.

Agad isinugod sa pagamutan ang mga biktima at agad ding nakalabas ng pagamutan.

ADVERTISEMENT

Ilang minuto lang ang nakalipas, dalawang pagsabog din ang yumanig sa bayan naman ng Shariff Aguak, Maguindanao.

Sinabi ng PNP na dalawang lalaki ang naghagis ng granada sa national highway ng bayan. Walang naitalang nasawi o nasaktan sa insidente.

“Ang pangyayaring ‘yon ay isa lang panggugulo sa part ng armadong grupo. may mga reports kami na natanggap na manggugulo ang BIFF sa eleksyon siguro ito na ang sinasabi nila,” ayon pa kay Bongcayao.

Kasunod nito, sinabi ni Bongcayao na nagdagdag ng pwersa ang PNP sa probinsya mula sa rehiyon dose.

Tiniyak naman ng PNP na maidadaos ang halalan sa bayan bukas.

- Ulat ni Lerio Bompat

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.