Barangay sa Baguio isinailalim sa lockdown, quarantine pass ipinawalang bisa dahil sa mga paglabag | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Barangay sa Baguio isinailalim sa lockdown, quarantine pass ipinawalang bisa dahil sa mga paglabag

Barangay sa Baguio isinailalim sa lockdown, quarantine pass ipinawalang bisa dahil sa mga paglabag

Michelle Soriano,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 09, 2020 04:17 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Video courtesy Baguio City Police Office

BAGUIO CITY - Hindi na kikilalanin ng awtoridad ang home quarantine pass ng mga residente ng Barangay Padre Zamora dito sa siyudad matapos ito isailalim ni Mayor Benjamin Magalong sa lockdown dahil sa mga paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ) guidelines.

Ayon sa Baguio City Police office, may mga residenteng tumatambay at naglalakad na walang suot na face mask. Hindi rin daw naoobserbahan ang physical distancing.

Sabado ng hapon nang simulan ang lockdown sa naturang barangay kung saan hindi na papayagan pang lumabas ang mga residente kahit pa schedule nilang mamalengke.

Maglalagay na lang ng satellite market at rolling store para makabili sila ng mga pangangailangan.

ADVERTISEMENT

Exempted naman dito ang authorized persons outside of residence na binanggit ng Inter-Agency Task Force tulad ng medical frontliners at mga papasok sa trabaho.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.