2 lalaki sa Las Piñas nagsauli ng cash aid dahil nakatanggap na ng ayuda mula SSS | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 lalaki sa Las Piñas nagsauli ng cash aid dahil nakatanggap na ng ayuda mula SSS

2 lalaki sa Las Piñas nagsauli ng cash aid dahil nakatanggap na ng ayuda mula SSS

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Dalawang lalaki ang nagsauli ng kanilang natanggap na tig-P8,000 cash aid sa Las Piñas City.

Kapuwa apektado ng lockdown ang hanapbuhay nina Bernie Rejano Donato at Carlos Simbillo. Si Donato, 26, ay aircon installer mula sa Barangay Daniel Fajardo habang ang 38 anyos naman na si Simbillo ay isang aircon technician mula sa Barangay CAA.

Dahil dito, naging kuwalipikado sila sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development dahil sa coronavirus lockdown at nakakuha ng ayuda noong Mayo 6.

Ang hindi nila alam, naproseso na rin pala ng kanilang employer ang ayuda nila mula naman sa Social Security System kaya nadoble ang perang natanggap nila. Naisipan nilang ibalik na lang ang SAP aid.

ADVERTISEMENT

Ayon sa dalawa, alam nila na mahirap ang sitwasyon ngayon at may mga mas nangangailangan pa ng tulong. Hindi naman nabanggit ng City Social Welfare and Development (CSWD) office kung malilipat ba ang pera sa ibang beneficiary o babalik sa main office.

Pero laking pasalamat ng Las Piñas city government at sinabing mabuting ehemplo ang dalawa sa gitna ng krisis.

Nauna na ring pinuri ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga tao na nagsauli ng SAP aid dahil sa duplication at iba pang rason. Marami na ring mga nagsauli ng cash aid mula sa iba't ibang parte ng bansa.

Sa kabuuan, ayon sa DSWD, nasa halos P80 bilyon na ang naibigay na pera sa 14.3 milyon na mga pamilya.

Ang ayuda ay ipinamamahagi ng national government sa gitna ng krisis sa COVID-19, kung saan milyon ang nawalan ng trabaho dahil sa mga ipinatupad na lockdown sa iba't ibang parte ng bansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.