6 patay sa nasunog na gusali sa Parañaque | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

6 patay sa nasunog na gusali sa Parañaque

6 patay sa nasunog na gusali sa Parañaque

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 10, 2018 04:18 PM PHT

Clipboard

Isang dating abandonadong gusali na ginawang tirahan ng maraming pamilya ang nasunog sa Parañaque City. Retrato mula kay Ly N Ne Barcelo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (4th UPDATE) - Apat na batang lalaki at dalawang ina na pawang magkakapamilya ang namatay sa natupok na gusali sa Barangay Tambo, Parañaque City nitong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi bilang sina Marie Joy de Jesus, 27, mga anak niyang sina Jomari Canaria, 6, at Daniel Luis Canaria, 10, ang tiyahin ni Marie Joy na si Ana Donna Agrasada, 26, at ang mga anak niyang sina Jake Amata, 6, at Jake Angelo Amata, 3.

Ayon kay chief arson investigator Sr. Insp. Wilson Tana, natagpuan ang mga nasunog na bangkay sa ground floor ng 3-palapag na gusaling tinatawag na "Bahay na Bato."

Pero tingin nila nagmula ang mga katawan sa ikalawang palapag matapos bumigay ang flooring nito.

ADVERTISEMENT

Nauna nang sinabi ng Bureau of Fire Protection na iniimbestigahan nila ang ulat na mga batang naglaro ng posporo sa ikalawang palapag ang pinagmulan ng sunog.

Inabot nang halos apat na oras ang pag-apula sa apoy mula nang sumiklab ito pasado alas-6 ng gabi. Nagdeklara ang BFP ng fire out ng alas-9:45 ng gabi.

Lumaki ang apoy dahil sa dikit-dikit na mga tirahan at mga ilegal na electrical connection, ayon kay Fire Superintendent Robert Pacis.

Itinuturing ng Bureau of Fire Protection (BFP) na fire hazard ang gusali at inirekomendang huwag nang pabalikin ang mga nakatira rito.

Dating abandonado ang gusaling may tatlong palapag pero ginawa itong tirahan ng nasa 400 pamilya.

Iyakan ng mga kaanak at residente ang sumalubong sa paglalabas ng unang dalawang bangkay na natagpuan sa natupok na gusali.

Luhaan ding sinalubong ni Mary Beth Antiel ang pagkuha pa sa apat na ibang bangkay, lalo't ina siya ni Marie Joy at kapatid ni Ana Donna.

Aniya, matapos malamang naiwan sa loob ang kapatid, mga pamangkin, anak at mga apo nang buhay, nawalan siya ng pag-asa na makita pa sila na buhay.

Tinatayang nasa 50 pamilya ang apektado habang P50,000 ang halaga ng natupok.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.