2 lalaki may laruang baril, arestado sa Butuan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 lalaki may laruang baril, arestado sa Butuan

2 lalaki may laruang baril, arestado sa Butuan

Lorilly Charmane Awitan,

ABS-CBN News

Clipboard

BUTUAN CITY - Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng laruang baril sa Barangay Mahay, Butuan City nitong Miyerkoles ng umaga.

Tiklo ang driver ng isang van na si Jun Antonio at kasama nitong si Joey Patnubay matapos maharang ng pulisya.

Inireklamo ang dalawa sa panggigitgit sa daan habang binabaybay ng van at isang multicab ang daan papuntang sentro ng siyudad.

Ayon sa nagreklamong si Jay Celades, may dalang armas ang mga suspek.

ADVERTISEMENT

Pero itinanggi ni Antonio ang alegasyon. Hindi umano sa kaniya ang armas at laruan lamang ito na ibibigay sana ng kasamang si Patnubay sa kaniyang anak.

Galing ng Maynila ang mga naaresto at papunta sana ng Cagayan de Oro at Davao.

Kinumpirma ni Chief Insp. Christian Rafols, tagapagsalita ng Butuan City Police, na replica ng caliber .45 na armas ang bitbit ni Antonio.

Pero kahit replica, may paglabag pa rin umano ito sa election gun ban.

Maliban sa replica na baril, may bitbit ding kutsilyo ang dalawa.

Isasailalim din sa drug test ang mga naaresto dahil sa nakuhang drug paraphernalia umano sa kanila.

Sinampahan na ang dalawa ng kasong paglabag sa election gun ban.

Ito ang ikalawang insidente ng paglabag sa gun ban sa lungsod matapos magsimula ang election period.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.