Umano’y mentally challenged na lalaki, ‘sinuntok, sinipa’ sa di pagsuot ng face mask | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Umano’y mentally challenged na lalaki, ‘sinuntok, sinipa’ sa di pagsuot ng face mask

ABS-CBN News
Published May 08, 2020 08:35 PM PHT
|
Updated May 08, 2020 10:04 PM PHT

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang pagsuntok at pagsipa sa lalaking umano'y may diperensiya sa pag-iisip sa San Jose, Antique matapos itong lumabag sa patakaran ng community quarantine.

Sa kuha ng CCTV sa San Jose Trade Town Market sa Antique, makikita ang paglapit ng pulis sa lalaki noong Mayo 1

Lumayo ang lalaki at napaatras papuntang fish section. Ang sumunod na nangyari, sinuntok at sinipa ng pulisya ang lalaki.

Ayon sa blotter ng pamilya ng biktima, nag-iikot umano ang mga pulis sa naturang palengke para masiguro ang pagpapatupad ng general community quarantine sa bayan.

Naabutan ng mga pulis ang lalaki sa naturang palenke na hindi naka-face mask at may bitbit na sigarilyo.

Dahil sa kaniyang pagtakbo, sinuntok umano ni Police SSGT Danny Mariano Plliado ang lalaki at sinipa. Ito'y kahit na nagsasalita ang mga vendors na may diperensya sa pag-iisip ang lalaki at huwag nang saktan pa.

Ayon sa pamilya ng lalaki, hindi sana dinaan sa dahas ni Plliado ang pagdisiplina lalo pa't may kakulangan ito sa pag-iisip.

"At that incident na sinipa siya ng pulis, malinaw na minaltrato sya kahit na common knowledge at sinasabihan sya ng mga tao sa paligid na may problema sa pag-iisip," ani pinsan ng biktima na si Ishmael Tibudan.

Dagdag pa ng pamilya, tanggap nila na nagkasala ang kamag-anak pero hindi naman sapat na dahilan para ito ay saktan.
Dagdag pa ng pamilya, tanggap nila na nagkasala ang kamag-anak pero hindi naman sapat na dahilan para ito ay saktan.
ADVERTISEMENT
Ayon sa pulisya, na-relieve na si pwesto si Plliado noong May 5 at na-assign sa ibang bayan.

Gayunman, nasa Antique Provincial Police Office ang reklamo at patuloy ang imbestigasyon.

"Ang Antique Provincial Police Office ang magtutukoy pagkatapos ng pre-charge evaluation. Posibleng kaso na haharapin ng pulis ay conduct unbecoming of a police officer," ani Police Maj. Benjo Clarite ng San Jose Municipal Police.

Hindi naman nagbigay ng komento ang Police Regional Office 6 sa insidente at naghihintay sila umano ng opisyal na report mula sa Antique Provincial Police Office.

Pero para sa pamilya, nakahanda silang maghain ng pormal na reklamo laban sa pang-aabuso ni Pillado.

— Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
Antique
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
COVID-19 Philippines update
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT