Mga simbahan nagpatunog ng kampana bilang pagkondena sa pagpapatigil sa ere ng ABS-CBN | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga simbahan nagpatunog ng kampana bilang pagkondena sa pagpapatigil sa ere ng ABS-CBN

Mga simbahan nagpatunog ng kampana bilang pagkondena sa pagpapatigil sa ere ng ABS-CBN

Arra Perez,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 09, 2020 12:31 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Nagpatunog ng mga kampana ang ilang simbahan bilang pakikiisa sa panawagan sa pamahalaang payagang umere ang ABS-CBN.

Nakilahok dito ang Redemptorist o Baclaran Church, San Labrador Parish sa Quezon City, Iglesia Filipina Independiente (IFI), at National Council of Churches in the Philippines.

Ayon kay Bro. Nosi Balgado ng Baclaran Church, sa pagpatunog ng kampana at pagsindi ng kandila nila, pinaaabot ang kanilang pakikiisa sa ABS-CBN at sa mga Pilipino para sa press freedom.

"We stand in solidarity with ABS-CBN dahil sa panahon ngayon ng pandemya, milyon-milyon ang mga kababayan natin ang mawawalan ng access sa information, kahit entertainment," aniya.

ADVERTISEMENT

"Gusto ko pong ipaalam sa gobyerno na ang naging aksyon na ito ng NTC [National Telecommunications Commission] laban sa ABS-CBN ay hindi napapanahon sapagkat sa gitna ng krisis na ating kinakaharap ngayon, dapat tayo ay nagtutulungan."

Aniya, naniniwala silang malaking kawalan sa mga mamamayan ang "sapilitang pagpapatigil" sa pag-ere ng ABS-CBN.

"Ang simbahan ay hindi tahimik at hindi mananahimik sa panahong ito. Kasama niyo kami sa pagharap upang ipaglaban natin ang kalayaan sa pamamahayag at ipaglaban din natin ang kalayaan para sa mamamayang Pilipino na sila ay magkaroon ng access sa impormasyon na mahalaga ngayong panahon na ito," ayon kay Balgado.

Giit naman ni Fr. Ramil Aguilar ng IFI, ito'y hindi simpleng pag-atake sa broadcast network kundi pag-atake sa malayang pamamahayag.

Nababahala rin si Aguilar sa banta sa mga manggagawa na dulot ng pagpapasara sa ABS-CBN.

"Ang amin pong mensahe sa ABS-CBN ay patuloy kayong magpakatatag. Ang sambayanang Pilipino kasama po ang taong simbahan ay kasama po ninyo sa labang ito para sa karapatan ng malayang pamamahayag," aniya.

Kasabay nito, isang online Black Friday for press freedom din ang isinagawa ng sectoral groups upang kondenahin ang cease and desist order ng NTC laban sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.