TINGNAN: Baha dulot ng matinding pag-ulan sa Metro Manila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Baha dulot ng matinding pag-ulan sa Metro Manila

TINGNAN: Baha dulot ng matinding pag-ulan sa Metro Manila

ABS-CBN News

 | 

Updated May 08, 2019 11:36 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Nagdulot ng pagbaha sa iba't ibang parte ng Metro Manila nitong Miyerkoles ang malakas na pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, bunga ng frontal system ang matinding pag-ulan.

Nagbabala naman ang Metropolitan Manila Development Authority na baha na ang mga sumusunod na lugar ngunit madadaanan pa rin ng mga sasakyan:

-Quezon Avenue Biak na Bato
-EDSA Aurora Boulevard Tunnel
-EDSA Shaw Blvd. Tunnel
-EDSA Ortigas Service Road (southbound)

ADVERTISEMENT

Samantala, lubog na sa baha ang Tayuman Street sa Maynila.

Baha na rin sa R. Papa LRT Station sa lungsod.

Nakuhanan naman ng isang netizen ang pagtulo ng tubig sa loob ng tren ng LRT-1 kasabay ng malakas na pag-ulan.

Gumuho naman ang parte ng isang escalator sa loob ng isang mall sa Mandaluyong City matapos masira ang bahagi ng kisame nito dulot ng malakas na ulan.

Nagdulot naman ng mabagal na daloy ng trapiko ang baha sa Quezon Avenue-Sto. Domingo, Quezon City.

Sa Araneta Ave., Quezon City, naman, hanggang bewang ang baha kahit humina na ang ulan pasado alas-10 ng gabi.

May mga stranded at hindi makauwi dahil sa baha. Naglutangan din ang mga basura.

Ginamit ng mga kabataan ang mga plastic na cabinet at mga styro para gawing makeshift na bangka para tumulong sa mga taong di makatawid. — May ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.