P55 milyong jackpot ng 6/55 Grand Lotto, solong napanalunan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P55 milyong jackpot ng 6/55 Grand Lotto, solong napanalunan

P55 milyong jackpot ng 6/55 Grand Lotto, solong napanalunan

ABS-CBN News

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2023/news/05/07/lotto-5-6-2023.png

MANILA — Isang masuwerteng mananaya ang naging instant milyonaryo nitong Sabado matapos matamaan ang P55 milyong jackpot prize sa 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Solong napanalunan ng nasabing mananaya ang premyong P55,394,255.40 matapos makuha ang winning combination na 04-16-26-24-14-47.

Isinagawa ang draw ng 6/55 Grand Lotto Sabado ng gabi.

Wala namang nanalo sa P33 milyong premyo ng 6/42 Lotto na isinagawa rin nitong Sabado. Ang winning combination ng nasabing palaro ay 26-02-24-35-04-28.

ADVERTISEMENT

Sa Lunes inaasahang magkakaroon ulit ng panibagong draw sa 6/55 Grand Lotto, habang sa susunod na Martes naman muling magsasagawa ng draw para sa 6/42 Lotto.

Nananatiling nasa 6/58 Ultra Lotto ang pinakamalaking jackpot prize ngayon ng PCSO na halos P100 milyon ang halaga. Ngayong Linggo nakatakda ang panibagong draw ng naturang palaro.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.