Davao de Oro residents, inilikas dahil sa baha, landslide | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Davao de Oro residents, inilikas dahil sa baha, landslide

Davao de Oro residents, inilikas dahil sa baha, landslide

ABS-CBN News

Clipboard

Mga larawan mula sa Nabunturan LGU.
Mga larawan mula sa Nabunturan LGU.

Binaha ang ilang lugar sa bayan ng Mawab at Nabunturan sa Davao de Oro nitong Sabado dahil sa malakas na ulan.

Pitumpu’t isang pamilya ang inilikas sa Barangay Mipangi dahil sa biglang pagtaas ng tubig baha.

Umaabot hanggang baywang ang tubig na pumasok sa ilang bahay kaya’t nagpatupad ng emergency evacuation ang Nabunturan Emergency Response Team.

Pansamantalang nanuluyan sa barangay gym ang mga residente na binigyan ng hot meals at relief goods.

ADVERTISEMENT

Sa karatig bayan ng Mawab, ilang pamilya rin ang inilikas sa Barangay Malinawon dahil sa baha na dulot ng biglang buhos ng malakas na ulan kagabi.

Naranasan naman ang mud at rockslides sa national highway ng Barangay Tuboran, pero naaksyonan agad at hindi na nakaabala pa sa mga motorista.

Gumuho rin ang lupa sa Purok 12, Sitio Mahayahay sa Barangay Tuboran, at nakipag-ugnayan na ang MDRRMO sa Municipal Engineering Office para sa clearing operations.

Ayon sa PAGASA, nakaranas ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Davao region kagabi dahil sa localized thunderstorms.

—ulat ni Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.