Vaccine 'mix and match' pinag-aaralan ng DOH at mga eksperto | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Vaccine 'mix and match' pinag-aaralan ng DOH at mga eksperto

ABS-CBN News
Published May 07, 2021 08:41 PM PHT

MAYNILA — Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) at mga eksperto kung ligtas, epektibo at puwedeng payagan sa Pilipinas ang pagtuturok ng magkaibang COVID vaccine brands para sa first and second dose ng isang indibidwal.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III "baka" puwede ito, kung pareho ang platform na ginamit sa paggawa ng bakuna.

"Theoretically, 'yung mixing ng vaccines for as long as they belong to the same platform. Halimbawa lang, hindi ko sinasabi na mangyayari na. Pfizer or Moderna are both using mRNA platform, baka 'yun puwede. Pero hindi ko sinasabi na puwede na. Baka lang. Pag-aaralan pa ng ating experts," ani Duque.

Halimbawa aniya ang Sinovac at Sinopharm vaccines.

ADVERTISEMENT
"Pareho naman 'yan na inactivated whole virus. Pinatay 'yung virus at 'yun ang ginamit sa para sa pagbakuna. 'Yun ang panggagalingan malamang kung mayroon mang advisory na mixed vaccine strategy," paliwanag ni Duque.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tagapagsalita ng ahensiya, kasama sa tinitingnan nila ang mga pag-aaral kaugnay ng paghahalo ng COVID-19 vaccine brands sa ibang bansa, tulad ng United Kingdom.

Nakipagpulong na ang DOH sa vaccine expert panel at sa Department of Science and Technology kaugnay nito.

Pero binigyang diin din ni Vergeire na sa ngayon, nananatiling isang COVID-19 vaccine brand lang ang pinapayagang gamitin kada indibidwal para sa first and second doses niya.

"Sa ngayon, ang protocol single brand muna. Pag Sinovac sa umpisa, Sinovac pa rin ang second dose. Wala pang scientific evidence for mixing brands," aniya.

—Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT