Tugbok at Calinan district sa Davao City, binaha; 1 bata nawawala | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tugbok at Calinan district sa Davao City, binaha; 1 bata nawawala

ABS-CBN News
Published May 07, 2021 09:40 PM PHT

DAVAO CITY - Binaha ang maraming lugar sa Tugbok at Calinan district sa Davao City nitong Biyernes ng hapon dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).

Isang 9 na taong gulang bata naman ang nawawala matapos madulas sa isang ilog sa Tugbok district, ayon sa ulat ng Davao City Central 911.

Sa video na kuha ni Elmeradel de Castro, makikitang maingat ang mga motorista sa pagdaan sa binahang kalsada sa highway ng Tugbok.

Sa video ni Jessa Rose Lagaac, makikita ang pagragasa ng tubig sa ilog sa Balite, Calinan district.
Sa video ni Jessa Rose Lagaac, makikita ang pagragasa ng tubig sa ilog sa Balite, Calinan district.
ADVERTISEMENT
Umapaw na ito sa ilang bahagi at binaha ang ilang bahay ang taniman sa Purok 1, Barangay Balite.

Nagdulot naman ng perwisyo ang pagbaha sa mga bahay at ari-arian sa San Juan, Barangay Balenga-eng.

Sa ulat pa ng Central 911, may mga na-trap nang pamilya sa lugar at nagsasagawa na sila ng rescue operations.

- Ulat ni Hernel Tocmo
KAUGNAY NA BALITA:
Read More:
Regions
Regional news
Davao City
911 Davao City
Central 911
baha Davao
Inter-Tropical Convergence Zone
weather patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT