68 kahon ng alak nakumpiska sa Iloilo checkpoint | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
68 kahon ng alak nakumpiska sa Iloilo checkpoint

Jennifer Garcia,
ABS-CBN News
Published May 07, 2020 01:03 PM PHT

PASSI CITY, Iloilo - Umabot sa 68 na kahon ng alak ang nakumpiska sa border checkpoint sa Passi City, Lunes ng gabi.

Isinakay ang mga ito sa isang pribadong sasakyan mula sa lalawigan ng Capiz pero hindi natukoy kung saan ito dadalhin.

Ayon kay Passi City Mayor Stephen Palmares, hindi ito ang unang beses na may nagtangkang magpasok ng alak sa kanilang lungsod.

Pero nakatanggap ng impormasyon ang alkalde na may ilang nagpupuslit at nagbebenta ng mga inumin sa ilang residente. Isinasabay ito sa essential goods gaya ng grocery items at isinasakay sa mga pribadong sasakyan. Dahil dito, iniutos ng alkalde sa mga nagbabantay sa border na mas higpitan ang checkpoint.

Ang mga sasakyan na may karga ay isa-isang tinitingnan para masiguro na hindi makakalusot ang alcoholic drinks.

Pinasasampahan na ng kaso na paglabag sa liquor ban ang mga nahulihan ng alcoholic drinks.

Muling nagpaalala din ang alkalde na mahigpit ang pagpapatupad ng liquor ban sa Iloilo bilang bahagi ng ipinapatupad na enhanced community quarantine.