Bilang ng mga dumalo sa Leni-Kiko rally sa Legazpi, nasa 100,000 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bilang ng mga dumalo sa Leni-Kiko rally sa Legazpi, nasa 100,000

ABS-CBN News
Published May 06, 2022 09:11 PM PHT
|
Updated May 07, 2022 09:27 AM PHT

Nasa 100,000 ang dumalo nitong Biyernes ng hapon sa Sawangan Park sa Legazpi City rally para sa rally nina presidential candidate VP Leni Robredo, vice presidential candidate Senador Kiko Pangilinan at ng kanilang senatorial slate, ayon sa organizers.

Ito’y kahit tirik na tirik ang araw dahil nagsimula ang programa ala-una ng hapon. Sunod-sunod ang pagtawag sa mga medic at maging ang mga kandidato ay napapatigil sa pagsasalita.

Dumalo rin ang mga kandidato para sa lokal na posisyon gaya ni Governor Al Francis Bichara at Legazpi City Mayor Noel Rosal na magkalaban sa pagka-gobernador ng Albay.

Dumalo rin si Congressman Joey Salceda na katabi sa upuan si Senador Kiko Pangilinan.

ADVERTISEMENT
Naroon din ang mga alkalde sa iba’t ibang bayan ng Albay. Muling nanawagan si VP Leni at Senador Kiko para sa suporta ng mga Albayano.

Isang araw na lang ang nalalabi para mangampanya kaya’t hinihikayat nila ang mga tagasuporta na ituloy tuloy ang pangangampanya gaya ng house to house.

-- Ulat ni Aireen Perol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT