Bisitang Norwegian, naitalang unang kaso ng COVID-19 sa Dipolog City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bisitang Norwegian, naitalang unang kaso ng COVID-19 sa Dipolog City

Dynah Diestro,
ABS-CBN News
Published May 06, 2020 01:00 AM PHT

Dipolog City — Isang 63 anyos na Norwegian ang unang naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Dipolog City nang magpositibo ito sa isinagawang rapid test sa Manila.

Nitong Marso 2, dumating ang dayuhan sa lungsod para bisitahin ang kanyang kaibigan na taga-barangay Minaog at umupa ng bahay sa may Barangay Sicayab.

Magdadalawang buwan din na namalagi sa lungsod ang Norwegian nang magkaroon ito ng reklamo sa paninikip ng dibdib kaya’t agad na dinala sa isang pribadong pagamutan noong Abril 26.

Ayon kay Dr. Esmeralda Nadela, provincial health officer ng Zamboanga del Norte, agad inilipad sa Manila ang pasyente para masailalim sa angiogram.

“Considering na two months na siyang nandito at wala kahit na anong symptoms ng COVID hindi talaga natin masabi na dito niya nakuha ang virus. The fact na lahat ng ating ipina-test dito galing ng Zamboanga del Norte ay negative lahat posible na sa Manila na siya nahawa considering that the patient is immune-compromised because of his heart ailment,” ani Dr. Nadela.

Protocol na sa lahat ng mga pagamutan sa malalaking lungsod gaya ng Manila na deretsong isasailalim sa rapid testing ang lahat ng mga pasyente bago isagawa ang kahit na anong medical procedure.

Aabot naman sa 40 na indibidwal ang nakasalamuha ng Norwegian na ngayo’y naka-home quarantine na at isasailalim din sa rapid testing.

“”Yong may direct contact, i-swab namin, ang lahat ng mga nurses and even those exposed in the hospital ipapa-rapid test at kung magpopositibo God forbid, i-swab test natin lahat,” dagdag ni Nadela.

Magpapatupad na ng barangay checkpoint at quarantine pass sa dalawang mga barangay kung saan tumira at bumibisita ang Norwegian.