BASAHIN: Pahayag ni Archbishop Socrates Villegas sa pagpapasara ng ABS-CBN | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

BASAHIN: Pahayag ni Archbishop Socrates Villegas sa pagpapasara ng ABS-CBN

BASAHIN: Pahayag ni Archbishop Socrates Villegas sa pagpapasara ng ABS-CBN

ABS-CBN News

Clipboard

Editor's note: We are publishing in full statements issued by various groups and institutions in support of ABS-CBN Corp., which went off the air on May 5, 2020 following a cease and desist order from the National Telecommunications Commission. The company's franchise expired on May 4, while bills for its franchise renewal, some filed since 2016, continued to languish in Congress.

KABUUANG PAHAYAG NI LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP SOCRATES VILLEGAS SA KAUTUSANG PAGPAPASA NG NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION SA ABS-CBN STATION

Kaisa ako sa kalungkutan ng ating mga kababayan sa pagsasara ng isang mahalagang bahagi ng buhay Pilipino—ang ABS-CBN. Gipit ang katayuan natin ngayon. Marami tayong dapat malaman araw-araw. Kailangang marinig ang tinig ng bayan. At kailangan din nating maglibang.

Maliwanag ang batas. Kailangan ng prangkisa ng ABS CBN. Ang tagal nang nakabinbin sa Kongreso ang petisyon ng renewal. Inupuan ng ating Kongreso hanggang humantong tayo na kailangang mapaso ang prangkisa. Bahala na ang mga abugado sa mga bagay tungkol sa batas. Subalit mayroong mga isyung moral at ispiritwal na dapat bigyang pansin.

Una, kailangan sa demokrasya ang malayang pamamahayag. Ang pamahalaan ay dapat na handang makinig sa puna at pintas at mga taliwas na pananaw upang mapabuti ang pamamahala. Kapag ang kalayaang magpahayag o pumuna ay sinupil, darami ang maniniil, malulusaw ang kalayaan, hihina ang ating bansa at manganganib ang karapatan ng tao.

ADVERTISEMENT

Pangalawa, ang kapangyarihang gumawa ng batas ay isang karangalan. Sa kasawiang palad, kasama sa kapangyarihang ito ang magpasara ng isang network na matapat namang nag-ambag sa kaunlaran ng bansa. Mapanganib para sa bansa na abusuhin ang kapangyarihang ito at sa halip ay makipagsabwatan sa mga gawaing taliwas mismo sa Saligang Batas.

Kaya nga ang tanong ko po ay “Ano ba talaga ang kasalanan ng ABS-CBN para ipasara sa ganitong panahon ng kagipitan?” Sa dami ng taong nakaalam ng balita at natulungan sa sandali ng pangangailangan at nag-ugnay sa atin upang magkatulungan sa sandali ng pangangailangan, ito ba ay makatuwirang gawin sa ABS-CBN? Sa panahon ng krisis hindi ba maaaring dagdagan ang pagpapakatao?

Dagdag dito, ilang libong kababayan ang mawawalan ng trabaho sa shutdown na ito? Malala na ang kahirapan at kawalan ng trabaho pang-araw araw dahil sa pandemic, kailangan pa ba nating dagdagan ang kahirapan at kawalan ng hanapbuhay?

Kailangan nating maghilom bilang bansa. Dalangin natin ay paghilom. Isa lamang ang COVID-19 sa maraming sugat na hindi pa maampat ngayon. Apaw na ang poot at galit. Ang init ng panahon dahil sa masasakit na salitang itinatapon sa hangin. Kung nais nating maghilom, makinig tayo sa isa’t isa. Huwag natin ishutdown ang may ibang pananaw kaysa atin.

Nakikiusap po ako sa mga kinatawan ng Kongreso mula sa Pangasinan, pagpasyahan na po inyo agad ang usaping ito.

ADVERTISEMENT

Panawagan ko naman sa ABS-CBN na gamitin ang sandaling ito upang suriin ang sarili at magnilay-nilay tungkol sa misyon para sa lipunan. Sana ay iwanan na ang malalaswa at magagaspang na programa sa telebisyon. Hindi nakakatulong kung ang napagagamit ang TV sa pagsira ng kagandahang asal at kulturang Pilipino. May mas mahalaga kasya sa top rating. Pangunahin ang pagtataguyod ng karunungan at mabuting asal. Huwag matakot mamintas at pumuna, ngunit gawin ito para sa kabutihan ng lahat at batay lagi sa katotohanan.

Dalangin ko ay magpakumbaba tayong lahat sa harap ng Diyos upang tunay na maghilom ang ating bayan.

Mayo 6, 2020, Saint John the Evangelist Cathedral, Dagupan City

Sumasainyo kay Kristong Panginoon,

+ SOCRATES B. VILLEGAS
Archbishop of Lingayen-Dagupan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.