2 parish priest sa Bukidnon magkasunod na namatay dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at May 05 2021 12:09 AM

Larawan mula sa Diocese of Malaybalay

Dalawang parish priest sa diyosesis ng Malaybalay, Bukidnon ang nasawi dahil sa COVID-19.

Ayon sa diocese, nasawi si Fr. Diomedes Brigoli noong Sabado at si Fr. Pablo Salengua nitong Martes sa Northern Mindanao Medical Center.

Sila'y parehong kuro paroko ng Sts. Peter and Paul Church sa Dalirig, Manolo Fortich.

Para maiwasan ang hawaan ng COVID-19, isinailalim muna sa lockdown ang residence ng obispo ng diocese.

Nag-negatibo sa rapid antigen test ang staff ng naturang residence.

Kasalukuyang nagluluksa at nanawagan ng dasal ang diyosesis sa pagkamatay ng dalawang pari.--Ulat ni PJ dela Pena 

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.