Vaccine czar kumpiyansang maaabot ang herd immunity sa kabila ng mga balakid | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Vaccine czar kumpiyansang maaabot ang herd immunity sa kabila ng mga balakid

ABS-CBN News
Published May 04, 2021 07:00 PM PHT

MAYNILA — Inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez noong Lunes na inaasahan niyang magkakaron ng epekto sa supply ng Novavax vaccines galing India ang COVID-19 crisis na nararanasan ngayon sa naturang bansa.

"We expect further constrictions ng ating global supply. Nakita po natin ang COVAX bumaba ang kanilang supply. Ang India they produce more than 2 billion doses for the COVAX and sa export. And with what’s happening to India right now, malaki po epekto. Ngayong ang supply na binili natin sa India baka magkaroon ng probable delay," pag-amin ni Galvez.

Dahil dito, nirerekomenda niya na magkaroon ng re-prioritization ng mga lugar na makakatanggap ng bakuna sa Pilipinas.

Ikonsidera aniya ang "economic at social importance" ng mga lugar gaya ng National Capital Region at unahin itong pagbuhusan ng supply ng bakuna.

ADVERTISEMENT
"Ang recommendation ay mag-concentrate tayo sa areas na tinatamaan talaga... So kung titingnan natin instead na ma-concentrate sa 110 na population, we have to concentrate only to 83 million population kung makuha natin ang 70 percent or herd immunity... Malaki ang chances na ma-recover natin ang economy natin," sabi ni Galvez.

Dumepensa rin si Galvez sa mga nagsasabing hindi kaya ng gobyerno na maabot ang herd immunity sa Pilipinas.

Aniya, sa ngayon nasa 3.7 million vaccines na ang na-deploy sa vaccination sites, at pumalo na sa 1,658,539 ang mga Pilipino ang nabakunahan.

Ngayong Mayo, may dadating pa aniya na 1.5 million doses ng Sinovac vaccines habang nakikipag-ugnayan pa ang gobyerno para sa inaasahang steady supply pa ng Sputnik V vaccines.

Sa Hunyo naman inaasahang may 2 million na manggagaling sa COVAX facility.

Kayang kaya aniya ng gobyerno na maabot ang herd immunity

"Ang target natin jabs per day, kailangan mayroon tayong 500,000 jabs per day. Kaya po natin iyan kasi ang atin pong jabs site ay 5,000. Kung 100 jabs per day so kaya po natin iyan. So ang atin pong target magkaroon po tayo ng 3 million jabs per week, pero ang requirement po every month mayroon tayong 15 million doses per month," sabi niya.

—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
bakuna
Sinovac
CoronaVac
Sputnik V
AstraZeneca
vaccination program
pandemya
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT