'No-el' sa 2022 dahil sa pandemya? Comelec, ilang eksperto, may sagot | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'No-el' sa 2022 dahil sa pandemya? Comelec, ilang eksperto, may sagot

'No-el' sa 2022 dahil sa pandemya? Comelec, ilang eksperto, may sagot

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Iginiit ng ilang eksperto na walang dahilan para magkaroon ng "no elections" o "no-el" sa susunod na taon kahit na may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon sa dating Commission on Elections Commissioner na si Gregorio Larrazabal, mangyayari lang ang "no-el" kung may mga pagbabagong gagawin sa Saligang Batas.

“Walang valid reason. Absolutely zero. The only way na hindi matuloy ang election next year is thru constitutional amendments. And to confirm the constitutional amendments, kailangan ng plebisito to ratify, to confirm the proposed constitutional amendments. Eh, eleksyon 'yun, 'di ba? So, you have an election to cancel an election. So, it doesn’t make sense,” ani Larrazabal.

Nakatakda na sa Oktubre ang paghain ng mga Certificate of Candidacy, matapos ang pagsara ng voters registration sa Setyembre 30.

ADVERTISEMENT

Hanggang nitong April 27, umabot na sa mahigit 2.7 milyon ang mga nagparehistro, idagdag pa dito ang mahigit 1 milyong Sangguniang Kabataan (SK) voters, para sa kabuuang halos 4 milyong botante.

Para sa election watchdog group na "Kontra-Daya," hindi na bago ang paglutang ng no-election scenario kahit pa walang pandemya.

"Yung no-election scenario ay hindi na bago, sapagkat sa mga nagdaang election cycle, parating pino-float yung posibilidad na baguhin yung Saligang Batas para matanggal yung term limit ng mga incumbent, at saka mabago rin yung porma ng gobyerno," ani Kontra-Daya Convenor Danilo Arao.

"Yung medyo kakaiba lang sa darating na halalan, bukod sa proposal for charter change, tila ginagamit na excuse din yung pandemya dahil nga raw hindi ligtas na lumabas yung mga tao sa kanilang bahay para bumoto," dagdag niya.

Pero pinawi ng Comelec ang pangambang “no-election” sa susunod na taon, lalo’t kung pandemya lang ang magiging rason nito.

ADVERTISEMENT

"Sa amin sa Comelec, mababang-mababa, there is no reason. Sa tingin namin, walang dahilan para i-postpone ang halalan," ani Comelec Spokesperson James Jimenez.

"So far, nakita naman natin mga statements ng mga pulitiko na talagang hindi naman ipo-postone 'yung halalan.”

Dagdag niya: “Pangalawa, tandaan ‘nyo na ang halalan ay naka-schedule sa Constitution mismo. So, para baguhin ang schedule ng halalan, kailangan mong baguhin ang Konstitusyon. It’s a very precise tool (yung suspension) and for a very precise reason only. So, yung malawakang No-El (No Election), hindi po manggagaling sa Comelec ‘yun.”

Kung titiisin, ayon kay Jimenez, tumaas pa nga ang turnout ng mga botante sa mga bansang nakapagsagawa na ng halalan sa gitna ng pandemya, gayundin ang isinagawang plebesito sa Palawan na mas mataas sa kanilang inaasahan.

“Ang experience kasi natin dito, yung mga naghalalan nung pandemya, tumaas ang turnout ng voters. That’s the worldwide trend. Dito sa Palawan, nagkaroon tayo ng plebesito. Ang expectation natin, mababa ang turnount. Palagi sinasabi, dahil pandemya. So, the expected turnout was 40 percent. In reality, ang turnout natin was closer to 60 percent (61 percent thereabouts). It looks like na sa 2022, may posibilidad na mas mataas pa lalo ang voter turnout,” ani Jimenez.

ADVERTISEMENT

Para sa tricycle driver na si Eduardo Doroteo, importanteng matuloy ang halalan.

”Para maganda ang kinalabasan ng pandemic at hindi pandemic, malalaman ng tao kung ano pinagkaiba. Kung matuloy, eh di maganda para mabago naman ‘yung sistema. Kailangan may eleksyon para wala nang maraming “setseburetse”, para hindi na mag-isip yung tao ng kung ano-ano pa,” ayon kay Doroteo.

Naniniwala si Larrazabal na ang no-el scenario ay para lamang sa mga gustong manatili sa kapangyarihan.

"It’s not a super-spreader event. Kasi, wala talaga tayong maisip na sufficient valid reason na to postpone elections, unless of course some people want to remain in power. So thats why they’re pushing for no-el. I guess we have to focus on health protocols for next year's presidential elections," ani Larrazabal.

Nagkakaisa ng pananaw sina Larrazabal at Arao, na kung may mga grupong magsusulong pa rin ng no-el scenario, taong bayan ang talo.

ADVERTISEMENT

"Magkakaroon siyempre ng constitutional crisis, sapagkat malinaw naman sa Saligang Batas na dapat magkaroon ng presidential at vice presidential election, bukod sa iba pang mga puwesto na dapat mapunuan. Kaya nga mahalaga na matuloy itong eleksyong ito kasi usapin ito ng pagpili ng susunod na pangulo at ng pangalawang pangulo," ani Arao.

"Crucial kasi yung susunod na magiging pangulo o pangalawang pangulo in terms of our society moving forward."

Para naman kay Larrazabal: “Ang talo ay yung taongbayan. Yung panalo, yung gustong manatili sa power o gustong kumuha ng power thru unconstitutional means.“

Sa huli, sinabi ni Jimenez na tungkulin din ng mga pulitiko at ng mga botante para masigurong hindi ito magiging super-spreader event ng COVID-19, mula sa panahon ng kampanya hanggang sa mismong araw ng botohan sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health standards.

Ayon kay Jimenez, maglalabas ang Comelec ng guidelines o panuntunan sa paraan ng magiging kampanya ng mga kandidato para matiyak ang pagsunod sa safety protocols.

— Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News


KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.