Dahil sa GPS: Sekyu na dawit sa panloloob ng bahay, tiklo sa Iloilo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dahil sa GPS: Sekyu na dawit sa panloloob ng bahay, tiklo sa Iloilo

ABS-CBN News
Published May 04, 2021 01:51 PM PHT

Madaling araw ng Mayo 2 nang looban ng suspek ang isang apartment sa Lopez Subdivision sa Mandurriao.

Mag-isa lang ang babaeng biktima at wala ang kaniyang kinakasama nang mangyari ang insidente. Tinutukan umano ng suspek ng baril ang biktima, piniringan ang mata at tinali ang dalawang kamay sa likod.

Tinangay ng suspek sa babaeng biktima ang isang smartphone na nagkakahalaga ng P70,000, laptop na may halagang P30,000, speaker, ATM card, at cash na P3,000.

Dumating kalaunan ang kinakasama ng babaeng biktima at nakasalubong ang suspek, pero tinutukan din siya ng baril, at nakuhanan rin ng cellphone.

ADVERTISEMENT
Sa follow up operation ng awtoridad, nahuli ang suspek matapos matunton ng awtoridad ang pinagtataguan nito nang sundan ang GPS ng cell phone na kaniyang ninakaw.

Nabawi sa suspek ang mga ninakaw na gamit, maliban sa cash. Nakuhanan rin ito ng isang .38 caliber revolver at isang .22 caliber revolver.

Napag-alamang nagtatrabaho bilang isang security guard ang suspek.

Nasa pangangalaga na ng Mandurriao Police ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong robbery.

-- Ulat ni Rolen Escaniel
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Robbery
pagnanakaw
theft
tracking system
cellphone
GPS
global positioning system
regions
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT