Mga armas, nakuha ng militar matapos ang sagupaan sa mga hinihinalang NPA sa Borongan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga armas, nakuha ng militar matapos ang sagupaan sa mga hinihinalang NPA sa Borongan

ABS-CBN News
Published May 04, 2021 10:45 PM PHT

Nakasagupa ng mga tropa ng militar ang hindi raw mabilang na mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) nitong Lunes habang nagsasagawa sila ng security patrol sa Borongan City, Eastern Samar, ayon sa awtoridad.

Umabot umano sa 25 minuto ang palitan ng putok ng 78th Infantry Batallion at NPA sa Barangay San Andres (Upper) pasado alas-2 ng hapon.

Walang nasawi o nasugatan sa tropa ng militar pero may nakita daw na dugo sa dinaanan ng mga tumakas na hinihinalang mga rebelde.

Naiwan naman umano ng mga rebelde sa pagtakbo nito ang 4 na M16 rifle, isang M653 rifle, isang AK-47, mga dokumento na kinokonsidera ng militar na may high intelligence value at iba pang personal na gamit.

KAUGNAY NA BALITA:
Nag-ugat daw ang engkwentro matapos na magsumbong ang mga residente doon na may presensya ng mga hinihinalang rebelde na nanghihingi ng pera at pagkain.

Pinasalamatan naman ni Lt. Colonel Oliver Alvior, commanding officer of 78th Infantry Battalion Commanding Officer, ang mga residente sa nasabing lugar dahil sa pagbigay ng mga impormasyon.

Bago ang engkwentro, nagsagawa ng "Barangayan Activity" ang mga sundalo sa Barangay San Andres (Lower) noong March 25 kung saan naipaabot ang mga basic services sa komunidad.

- Ulat ni Ranulfo Ducdocan
Read More:
Regions
regional news
New People's Army
Borongan City
Eastern Samar
NPA
rebelde
78th Infantry Batallion
Philippine Army
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT