Ano ang dapat isaayos sa Misa? Sound system, tugon ng karamihan— survey | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano ang dapat isaayos sa Misa? Sound system, tugon ng karamihan— survey

Angela Coloma,
ABS-CBN News
Published May 04, 2021 12:23 PM PHT

MAYNILA— Mas maayos na sound system ang pangunahing dapat ayusin sa mga misa, batay sa survey na inilabas ng Radio Veritas nitong Martes.

Sa "Online Survey on What Should be Improved During the Celebration of the Holy Mass," sinasabing 27 porsiyento o katumbas ng 324 katao sa mga 1,200 sumagot sa survey na isinagawa sa buong Pilipinas ang nagsabing dapat mapabuti ang mga sound system na ginagamit ng mga simbahan.

Karamihan sa mga nagsabi nito ay ang mga nasa “young adult” age group o iyong mga edad 21 hanggang 39 anyos.

Sumunod naman ang pagpapabuti ng pinipiling choir at mga kantang inililinya para sa selebrasyon ng misa, na nasa 24 porsiyento o katumbas ng 288 katao.

Parehong 20 porsiyento naman ng mga nagsisimba ang gustong mas mapabuti ang church ambiance at ang homily ng pari, katumbas nang tig-240 katao.

Huli naman sa survey ang pagpapabuti ng pagbasa ng mass readers at ang pagiging palakaibigan ng mga church volunteer, na nasa 5 porsiyento (60 katao) at 4 porsiyento (48 katao), ayon sa nabanggit.

Umarangkada ang pagkuha ng datos para sa survey noong Marso 31— araw ng ika-500 anibersaryo ng unang misa na idinaos sa bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Radio Veritas President at Chief Executive Officer, hangad ng survey na maging daan para maipatupad ang misyon ng Simbahan matapos ang 500th year festivities nito sa bansa.

“The survey launched during the Anniversary of the 1st Mass in the Philippines is just one in a series of surveys that we are conducting during our Celebration of the 500 Years of Christianity in the Philippines as a way for us to fully understand the richness of our faith,” ani Pascual sa press release.

“We hope that through this social research initiative, we may be able to help the Church continue to fulfill its mission beyond this 500th Year Festivities.”

Sa mga sumagot sa survey, pinakamarami sa mga gustong mapabuti ang church ambiance ay nasa "teens" demographic o iyong mga 13 hanggang 20 anyos.

Sa mga gustong mas mapabuti ang choir at song selection, pinakamarami ang mga adult o iyong mga nasa edad 40 hanggang 60 anyos.

Pinakamarami naman ang mga gustong mas mapabuti ang homily ng mga pari sa mga elderly o iyong mga 61 anyos pataas.

Pinili ang mga respondent sa pamamagitan ng stratified sampling. Sa pamamagitan naman ng text at internet ginawa ang survey, na may +/- 3 porsiyentong margin of error.

KAUGNAY NA BALITA:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT